^

Pang Movies

Mark tuloy ang trabaho kahit nakaburol ang ama

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mark tuloy ang trabaho kahit nakaburol ang ama

Pinuri ng kanyang supporters ang pagiging professional ni Mark Bautista dahil kahit nakaburol ang ama, sinisipot pa rin ang kanyang showbiz commitments. Present siya kahapon at nag-perform pa sa All-Out Sundays at siguradong sisiputin ang concert nila nina Christian Bautista at Aicelle Santos sa February 1.

Ang nakaka-touch, wedding anniversary ng parents ni Mark last Friday o Saturday at gusto ng mom niya i-celebrate ang wedding anniversary nila ng asawa at nag-request ng more singing and dancing dahil gusto niyang i-celebrate ang wedding anniversary nila ng asawa habang hindi pa inililibing ang dad niya.

Kaya may photo na nagsasayaw sina Mark at mom niya sa harap ng kabaong ng dad ni Mark habang kinakanta ng brother niya ang Dance with my Father. 

Sa kuwento ni Mark, sa Cagayan de Oro (sa place nila) namatay ang dad niya, his 12th attack, thankful lang si Mark na kasama pa nila ang dad niya last Christmas at kasama pa nilang nag-celebrate ng birthdays ng mom at brother niya.

Snooky dating ex ang BF ngayon

“Partner” ang tawag ni Snooky Serna sa boyfriend niyang si former Bulacan Vice Governor Ramon Villarama. Nagkarelasyon na pala sila dati, hindi lang nagkatuluyan sa rason na hindi na sinabi ni Snooky. After 25 years, nagkita uli sila at baka this time, magkatuluyan na.

Kapag walang showbiz commitment, kasama si Snooky ng BF niya sa mga lakad at nitong huli, sa Iloilo City sila pumunta. Natuwa si Snooky na ipinakilala siya ng BF sa ka-batchmates sa Ateneo na napaka-warm daw ang pagtanggap sa kanya.

Sa presscon ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, nabanggit ni Dina Bonnevie na magkakilala ang husband niyang si Ilocos Sur Representative Deogracias Victor Savellano at BF nitong si Ramon. Sa puntong ito, may mapag-uusapan ang dalawa at tungkol nga yata sa asawa at BF ang isa sa napagkukuwentuhan in between takes.

Kristoffer nag-react sa Kain Pepe clothing line

Kumampi kay Kristoffer Martin ang netizens sa isyung in-open niya tungkol sa may kabastusang tunog ng isang clothing line.

Tweet ni Kristoffer: “May nakita akong clothing line sa FB. Bat niya dine-defend yung brand niya eh in the first place, tunog at basa pa lang bastos na. Tapos yung ad gagamit ng mga batang babae. Tanga ka?”

Ang tinutukoy ni Kristoffer ay ang KNPP Clothing Line na kung babasahin ay Kain Pepe at ang nakakaloka pa, ang images sa t-shirt ay may kabastusan. Tapos, young girls pa ang model at ‘yung isang girl model, suot ang t-shirt na naka-panty lang at bakat ang dapat bumakat.

Ang depensa ng owner ng brand, ang “PEPE” ay common nickname sa mga Pinoy at ng “KAEN” ang ibig sabihin sa English word ay “EAT.” Dagdag pa nito, ang purpose ng t-shirt ay to show pure art.

Ayaw maniwala ng netizens at ipinapa-boycott ang clothing line at nagpasalamat sila sa Kapuso actor by voicing out his thought. Kaya lang, marami na ang nakabili ng KNPP t-shirts and I’m sure, proud pa ang mga bagets na isuot ang kanilang t-shirt na may kabastusan ang graphics na ginamit.

Aabangan namin kapag may celebrity na nag-endorse ng KNPP t-shirt na ito at kung meron man, ngayon pa lang, maghanda na siya sa backlash at reaction ng tao.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with