^

Pang Movies

Ruffa walang ‘di kinaibigan sa katrabaho

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa walang �di kinaibigan sa katrabaho

Ang parade around Chinatown sa Binondo, Manila ng cast ng isang bagong afternoon series ng ABS-CBN noong Saturday, mismong araw ng Chinese New Year.

Sumama sa float sina Christopher de Leon, Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Sunshine Cruz at Ruffa Gutierrez.

Delayed nga lang ang start ng parade nila dahil umulan sa Manila area noong Saturday.

Mga 3:00PM na raw sila nakapag-start.

“Pero we’re very thankful dahil marami pa ring nag-abang sa float namin kahit more than two hours kami na-delay dahil umulan,” sey ni Ruffa na kahit may sakit ay sumama pa rin sa promo na ‘yon.

Masaya naman daw sa parade nila.

Ok din daw ang taping nila, sabi ni Ruffa. Karamihan sa cast ay close niya like kay Sunshine Cruz na kasama pa niya sa commercial ng beauty clinic ni Cathy Valencia.

Ang mag-sweethearts na KimXi naman ay madalas na makasabay ni Ruffa sa gym. Pareho raw ang gym na pinupuntahan nila nina Kim at Xian.

“They’re nice to me. Napaka-real nila, kapag nakikita nila ako, lumalapit at bumabati. Same thing with Yam, she’s nice.

“Actually, lahat ng kasama namin sa series, they’re all nice, kaya excited ako sa new show na ito,” sabi ni Ruffa.

Anyway, inaasahan ni Ruffa na 100% ok na siya ngayong araw na ito at kahapon na kausap ko siya ay waiting pa raw siya kung may taping siya ngayon o wala.

Richard at Bea balik sa taping

Noong Friday pala ay nag-resume na ang taping ng first teleserye team-up nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo.

Last year, nagsimula na sila ng taping sa Gensan.

Puro out of town ang location ng nasabing teleserye, pero ok naman daw dahil magaganda ang atmosphere.

Wala pang official announcement ang ABS-CBN kung kailan ang airing ng nasabing teleserye, pero mukhang malapit na rin ‘yon dahil tuluy-tuloy na ang taping nina Richard, Bea at iba pang cast.

Lotlot nagpa-manage na rin sa manager ni Janine

Ang press interview ngayon ni Lotlot de Leon.

Bale formal announcement at contract signing na rin ‘yon ni Lotlot sa bago niyang manager na si Leo V. Dominguez.

Noong una ay pina-manage ni Lotlot kay Leo ang anak niyang si Janine Gutierrez at ngayon naman ay siya na ang nagpa-manage sa manager din nina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Paulo Avelino, Solenn Heussaff, Snooky Serna, Dina Bonnevie at marami pang iba.

Obvious na happy si Lotlot sa pamamalakad ni Leo sa career ni Janine, kaya ngayon ay iisa na sila ng manager.

Ang Beauty Queen na iWant original movie ang isa sa mga unang project together nina Lotlot at Leo bilang talent at manager.

‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with