^

Pang Movies

Elijah idol si Glaiza sa pagmamaldita!

Joe Barrameda - Pang-masa
Elijah idol si Glaiza sa pagmamaldita!
Glaiza

MANILA, Philippines — Isa sa most hated kontrabida ngayon ng netizens at Kapuso viewers ay si Elijah Alejo na napapanood bilang si Brianna sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Lalong kinaiinisan si Elijah sa pagiging maldita nito sa tatlong Donnas na sina Jillian Ward, Sophia Pablo at Althea Ablan. Very effective ang kanyang pagganap sa kanyang karakter kaya naman kaliwa’t kanan na bashing ang kanyang natatanggap mula sa fans.

Ayon kay Elijah, si Glaiza de Castro ang kanyang idolo at inspirasyon sa pagiging isang mahusay na kontrabida, “Si Ms. Glaiza de Castro po kasi bukod sa kontrabida, kaya niya po ‘yung magmukhang nakakaawa kahit kontrabida siya. Ang galing niya po.”

Patuloy na subaybayan ang mga susunod na plano ni Brianna at ng kanyang ina na si Kendra (Aiko Melendez) sa Prima Donnas tuwing hapon pagkatapos ng Magkaagaw sa GMA.

Alden mami-miss ang mga kasama sa serye

Aminado ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na naging malapit sa puso niya ang mga co-stars sa GMA primetime series na The Gift.

Bukod sa masaya ang atmosphere sa set tuwing taping, naging close at pamilya na ang kanilang turingan sa isa’t isa kaya siguradong mami-miss niya ang kanilang samahan.

“In the past five years, this is my longest teleserye to date. Siyempre mami-miss ko ang set. Ang sigurado sa amin, kahit matapos ang show, babaunin namin yung relationship na nabuo dito, hindi siya magtatapos sa teleserye,” ayon sa The Gift lead actor.

Huling dalawang linggo na lamang ang natitira bago ang pagtatapos ng inspiring GMA Tele­babad series na The Gift kaya tutok lang sa mga susunod na episodes ng serye.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with