^

Pang Movies

Kabuntot sa Spain John Lloyd limot na, Ellen may bagong dyowa na?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kabuntot sa Spain John Lloyd limot na, Ellen may bagong dyowa na?!

Uy limot na nga kaya ni Ellen Adarna si John Lloyd Cruz? May bagong dyowa na nga ba siya? Or nagpapapansin lang ang dating sexy star?

Ito ang tanungan kahapon matapos makita sa social media account ni Ellen na may kasama siyang lalaki na ang dating sa mga nakita ay dyowa na niya.

Central America in Madrid ang location ng dating Kapamilya sexy actress kung saan may mga kasama siyang kaibigan at hindi lang naman ang unidentified na lalaking ‘yun though meron silang dalawa lang na photo.

Late last year nga nang maibalita naming hiwalay na sila ni John Lloyd kung saan sila nagkaanak na pinangalanan nilang Elias Modesto na sabi ng iba ay kamukha ni Ellen pero may nagsasabi naman na kamukha ni John Lloyd.

Unless friend niya lang ang lalaking kasa-kasama sa mga picture sa kanyang Instagram account at nang-eeklay lang si Ellen.

Puro puso ang commentng followers and friends ni Ellen sa nasabing post.

Last August nang sumabog ang isyung nagising na lang daw isang araw si Ellen na ayaw na niya kay John Lloyd. Yes, ang former sexy actress diumano ang nakipaghiwalay sa actor na hanggang ngayon ay naka-leave of absence pa sa kanyang career though may mga tinatanggap ng trabaho.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with