^

Pang Movies

Vicki Belo nagre-reflect sa hitsura ang inner happiness

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Vicki Belo nagre-reflect sa hitsura ang inner happiness
Vicki Belo

Lately, napansin ko ang pagiging young looking ni Dra. Vicki Belo na magdiriwang bukas, January 25 ng birthday niya.

Sinabi ko kay Vicki na siguro nga, ang inner happiness niya ang talagang nagpabata sa kanyang physical appearance plus ang presence ni Scarlet Snow.

Ang inner happiness ng isang tao gives you the glow and added charm.

Dra. Vicki Belo-Kho is at her most beautiful now. I love her because she is a loyal friend, aside from being over-generous, sweet and sincere.

And now that she is at her most stable state emotionally and physically, and a brand herself dahil when you say beauty, for sure it is Belo. Happy birthday Dra. Vicki! Stay as sweet, kind, and always be sincere. Love you.

Barbie at Kate, iba ang kumbinasyon

Maganda ang pagsasama nina Barbie Forteza at Kate Valdez sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Maganda ang kumbinasyon ng personalidad nila at swak ang bonding ng kanilang mga cha­racter.

Ang lakas ng suporta nina Barbie at Kate sa bagong show nila sa GMA-7. May Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Palaging rater din ang mga project ni Barbie dahil gustung-gusto ng fans ang kanyang acting at  pagiging level headed.

Sure ako na marami ang interesado na mapanood ang Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday na teaser pa lang, nakakatawa na at riot agad.

Kathryn very classy, hindi pumapatol

Minsan, nakakaawa talaga ang mga artista natin. Hindi na nila alam ang gagawin dahil sa mga rude comment ng mga tao na hindi natin alam kung ano ang napapala sa kanilang mga negatibo na sinasabi.

Gaya ni Kathryn Bernardo na kumalat daw ang video na may nasabi na hindi magandang salita dahil nabigla.

Natural sa atin na mabigla at makapagbitaw ng salita o mura, lalo na kung nagugulat tayo o may sitwasyon na hindi inaasahan na nangyari.

Sa mga ganoong pagkakataon, automatic reaction lang at hindi nangangahulugan na normal na sa isang tao ang pagmumura.

Mabuti na lang, may matibay na family support si Kathryn Bernardo kaya matatag siya sa mga intriga na ipinupukol sa kanya.

Saka pag on top of the world ka, usually, hindi ka dapat patola sa mga ganitong negatibong bagay kaya cool lang si Kathryn, keber lang. Go girl, right attitude and very classy ang pagtanggap niya sa mga pang-iintriga laban sa kanya.

Pamilya ang turingan

Hindi nakapagtataka na kapag may nangyayari sa paligid natin, affected tayo, kahit hindi tayo ang involved.

Human nature na kapag may nasaktan sa sakuna o kalamidad, affected tayo at tumutulong sa abot ng ating makakaya.

Naniniwala ako na walang tao na bato ang puso dahil all of us are brothers, we feel the same pain.

Perfect example ang mga volunteer na tumutulong sa Taal Volcano erupton victims na nanggaling pa mula sa mga malalayo na probinsya.

Basta nandoon sila para tumulong at magbigay ng relief items at mga pagkain. United as one ang feeling ng lahat. Isang pamilya ang turing ng bawat isa kahit hindi magkakilala. Totoo talaga na God is good, all the time. Amen.

vuukle comment

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with