^

Pang Movies

James nag-sorry kina Issa at Yassi

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
James nag-sorry kina Issa at Yassi
James

Nag-apologize na si James Reid sa magkapatid na Yassi at Issa Pressman dahil sa pagkakadawit ng pangalan ng huli sa break-up nila ni Nadine Lustre.

Unknown to many, close sa nagkahiwalay na magka­sintahang James at Nadine ang magkapatid na Yassi at Issa at wala umanong katotohanan ang bintang ng marami lalo na ng fans ng JaDine na si Issa ang `third party’ sa paghihiwalay ng kanilang mga idolo.

Hindi rin pinalampas ng actress na si Yassi ang pambu-bully sa kanyang nakababatang kapatid lalupa’t wala itong katotohanan.

Samantala, hindi naman apektado ang pagkakaibigan nina Nadine at Yassi dahil nakitang magkasama itong nag-dinner kamakailan lang.

Ang isa pang kaibigan ng dating magkasintahang James at Nadine na si Sam Concepcion ay nalungkot sa break-up ng dalawa but he will remain a friend to both dahil mga kaibigan niya ang dalawa. Nauunawaan ni Sam na may pinagdadaanan ngayon ang dalawa pero naging mutual naman ang kanilang decision na maghiwalay for their own personal growth. Natutuwa rin si Sam na nanatiling magkaibigan sina James at Nadine kahit hiwalay na sila.

Speaking of Sam, hindi nito ikinakaila na bigla umano siyang nakaramdam ng separation anxiety nang matapos ang The Killer Bride dahil bigla niyang na-miss ang kanyang mga naging kasamahan sa serye.

Ngayong tapos na ang TKB, agad naman niyang hinarap ang rehearsal ng kanyang upcoming musical play sa Maybank Theatre in BGC Arts Center, ang re-staging ng Joseph, the Drea­mer where he plays the title role. Ito’y nakatakdang magsimula on February 20 to March 6, 2020 with Paolo Valenciano as director habang si Mike Salomon naman ang musical director.

Bukod sa musical play na Joseph, the Dreamer, nakatakda ring gawin ni Sam ang kanyang una-unahang international TV series for HBO Asia, ang ika-3rd season ng zombie series na Halfworldskung saan niya kasama ang Kapuso young star na si Bianca Umali na nakatakdang idirek ni Mikhail Red.

 Rocco nasa finishing touches na sa 4-storey na bahay 

Malamang na makalipat na sa kanyang ipinatayong four-storey house in Antipolo City ang Kapuso actor na si Rocco Nacino bago ang kanyang ika-33rd birthday on March 21.

Nasa mga finishing touches and landscape na lamang at tapos na tapos na ang bahay at kasunod na rito ang interiors and furnitures na siyang tinututukan ngayon ng actor-entrepreneur.

Malayo na nga ang narating ng dating 2nd prince ng reality talent search na Starstruck.

Kung maganda ang takbo ng career ngayon ni Rocco, masaya rin ang kanyang lovelife sa pagdating sa kanyang buhay ng kasintahan niyang si Melissa Gohing na isang professional volleyball player.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with