^

Pang Movies

Ex ni James na si Ericka binura ang bintang na cheater ang aktor!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ex ni James na si Ericka binura ang bintang na cheater ang aktor!
Ericka

Since Monday night, simula nang kumpirmahin nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang break-up by releasing a joint statement na inere sa Tonight With Boy Abunda, wala nang tigil ang netizens sa kanilang mga komento, especially of course, the JaDine fans na lungkot na lungkot sa nangyari.

Top trending ang break-up sa lahat ng social media at kahapon ay nanganak na nga ang balita dahil may itinuturong third party sa hiwalayan. Biglang lumitaw ang pangalan ni Issa Pressman na younger sis ni Yassi Pressman. Diumano ay ito raw ang dahilan ng JaDine split-up.

May ebidensiyang inilabas ang fans na ewan kung saan galing na screenshot ng ilang mga larawan kung saan ay makikitang magka-holding hands daw sina James at Issa sa isang event kung saan ay naroon din si Nadine.

May screenshot pa ng photo na hinahalikan daw ni James si Issa behind Nadine’s back.

Malalabo ang mga larawan dahil malayo ang shots pero kumbinsido ang fans na nag-cheat daw si James kay Nadine. Ang pagkalungkot nila ay nadagdagan ng galit sa aktor at pagkaawa naman sa aktres.

Sa gitna ng break-up controversy, heto naman ang ex-girlfriend ni James na si Ericka Villongco at nagbigay din ng kanyang pahayag sa kanyang Instagram Story.

“My dm is flooded w the ‘did u hear??’ ‘what do u have to say about. .’ ‘he$ a cHeateRrr’. This is me m letting the news speak for itself. Karmas a bitch. LOL. God spared me,” ang post ni Ericka.

Binura na niya ang post na ito pero nakunan na ng screenshot ng netizens at online magazines kaya naman nag-viral na agad at nag-trending topic na sa Twitter.

Nag-explain naman si Ericka sa kanyang latest IG Story kung bakit niya binura ang unang post.

“Deleted my post because I realized it was a bad joke. I’m sorry for letting the impulsive aries get the best of me. This rlly isn’t any of my business & it is never ok to be mean to ppl,” pahayag niya.

Luis trending sa look-alike picture ng Korean star na si Choi Si Won

Tawang-tawa kami sa post ni Luis Manzano ng mga larawan niya side by side with Choi Si Won, ang miyembro ng sikat na South Korean boy group na Super Junior. Pinagkum­para niya ang hitsura nila na in fairness, magkamukha naman talaga.

Sa caption ay itinag pa niya ang singer at nagpakilalang siya raw ang twin brother nito sa Pilipinas.

“Pambihira naman, @siwonchoi meet your twin from the Philippines Sipon Choi! Let’s collab bro (kung maka bro parang magkasama lumaki) kung siya Oppa, ako Oh-ha?” caption ni Luis.

Natawa ang followers niya at maging ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola na nag-react ng tatlong laughing with tears emoji.

Ang dami namang nag-agree na magkamukha talaga sila ni Choi Si Won. May nagsabi namang mas guwapo pa siya kaysa sa Koreano. At suportado nila ang collab na request ni Luis.

May nang-asar din na nagkomento ng “Try niyo po mag pa check up gagaling po kayo.”

Well, abangan natin kung sasagot si Choi Si Won sa request ni Luis.

vuukle comment

ERICKA VILLONGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with