^

Pang Movies

AiAi malaki ang ginastos kay Jiro

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
AiAi malaki ang ginastos kay Jiro
Jiro

Mangiyak-ngiyak si AiAi delas Alas kahapon sa video na ipinost niya sa kanyang Instagram account kaugnay ng anak-anakan niyang si Jiro Manio na nakakulong ngayon for alleged frustrated homicide.

Matatandaang si AiAi ang unang tumulong kay Jiro noong 2015 nang makita ito ng mga tao na palabuy-laboy sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa video ay ikinuwento nga ni AiAi ang mga nangyari simula nang tulungan niya ito noong 2015. Kitang-kita ang kalungkutan kay Comedy Queen habang nagsasalita at bandang huli ay napaiyak na.

Simula ni AiAi, marami raw ang nagtatanong sa kanya kung ano na ang nangyari sa pagtulong niya kay Jiro at nagkaganito na naman kaya naman minabuti niyang sa kanya na manggaling ang buong kwento.

Ikinuwento ni AiAi na ipinasok niya ang dating child actor sa rehabilitation sa Quezon City matapos ngang makita na palabuy-laboy. Sinagot niya ang gastos na medyo malaki-laki rin daw at nasa 60,000.00 a month.

Nang makalabas sa rehab ay pinayuhan niyang bumalik sa pag-aartista dahil nga magaling naman itong aktor at ito rin ang paraan para makapag-bagong buhay siya.

Ikinuha pa raw niya ng condo si Jiro para makapagsimula ulit sa showbiz.

First project daw dapat nito ay ang life story sa Magpakailanman at pumirma pa nga sila ng kontrata na ang aktor din ang gaganap.

Pero hindi natuloy ang proyekto dahil sa pabagu-bagong isip ni Jiro. Bukod dito ay marami raw itong tine-text sa kanya na kung anu-ano which made her realize na mukhang hindi pa magaling ang aktor.

“Ano ba ‘yung dating itinext niya na naloka ako, na maga-align na ang Pluto sa Mars,” kuwento ni AiAi.

Kaya naisip daw niyang ipasok ulit ito sa rehab and this time ay sa Bataan na.

Akala raw niya ay gagaling na ito sa pangalawang rehab pero nang mabalitaan niyang nagma-marijuana raw ito ulit, dito raw niya naisip na mukhang wala na talagang pag-asa si Jiro.

“’Yun ‘yung time na sabi ko, ‘wala na ‘to. Parang pakiramdam ko, ‘yung lahat ng binuhos kong effort, lahat ng binuhos kong tulong, pangaral, suporta sa pamilya, parang natapon na lang ng ganu’n. Kasi, nasa rehab ka, ba’t ka nagma-marijuana? So, parang ang dating sa akin, parang napagod na ako,” pahayag ni AiAi.

Dahil nga, nawalan na siya ng pag-asa ay hindi na raw siya nakipag-communicate pa sa aktor. Hanggang sa ito na nga ang nabalitaan niya – inaresto ang anak-anakan dahil nakasaksak.

Sa ngayon, ang magagawa na lang daw niya siguro ay ipagdasal ang aktor at sana raw ay malampasan nito ang pinagdadaanan na namang problema ngayon.

vuukle comment

JIRO MANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with