^

Pang Movies

Dingdong pinagtawanan ang mga nabuhay na sexy pictorials

Gorgy Rula - Pang-masa
Dingdong pinagtawanan ang mga nabuhay na sexy pictorials
Dingdong Dantes

MANILA, Philippines — Doon pa rin sa pictorial ng Descendants of the Sun, tawang-tawa naman si Dingdong Dantes sa mga naglabasang memes na nag-viral nito nung bago mag-New Year.

Aliw na aliw daw siya sa ibang nakapag-isip, gaya nung Dingdong ‘Done-Test’, at nabuhay pa ang mga sexy pictorials niya noon sa Cosmo Men. Isa raw iyun sa nagtanggal ng pagod at inip nila sa taping sa set ng Descendants.

“Nangyari kasi to sa set kami.

“Inaantok na kami, mga alas-diyes sabay…nagulat kami. Ano tong mga to? tapos tottotot…mga cellphone namin…tawanan kami nang tawanan.

“Gumagawa na rin kami ng sarili namin. Pero pang-amin lang.

“Hindi na namin nilabas kasi mas malala yung sa amin,” natatawa niyang kuwento.

“Ang mahalaga sa akin, yung social experience di ba?

“Yung mga memes… na hindi pinagkakausap minsan…tapos nagtawanan na kami. Tapos naging close ko na bigla dahil dun. Okay na experience iyun para sa akin,” dagdag niyang pahayag.

Ang ganda na nga raw ng samahan nila sa set ng bagong drama series na ginagawa nila. Kaya kahit mahirap ang ilang eksenang ginagawa nila, at malayo pa ang set, okay lang dahil masaya lang daw sila at magaan daw ang lahat na katrabaho niya.

Andre nagsalita sa relasyon sa inang si Jackie Forster

Maingat si Andre Paras sa mga sagot niya pagdating sa kanyang kapatid na si Kobe.

Napapansin naman kasi sa mga social media account na ang ina nilang si Jackie Forster ang madalas na kasama ni Kobe pero wala siya.

Nung nakaraang Pasko ay kasama raw ni Andre ang pamilya niya na ang tinutukoy nito ay ang Daddy niyang si Benjie Paras, ang stepmom niya at mga kapatid.

Hindi nila kasama si Kobe, pero nagkaroon naman daw sila ng time ng kapatid niya na mag-bonding.

“We always see each other, pag wala siyang practice nagkikita po kami,” pakli ni Andre nang nakapanayam namin sa pictorial ng Descendants of the Sun.

Okay naman daw sila ng Mommy niyang si Jackie, nagkausap daw sila pero si Kobe talaga ang madalas na kasama ng Mommy nila.

“Meron naman kami private lives na of course hindi kailangang sabihin sa mga tao kasi lahat naman tayo may private life na as much as possible, kung puwede gawing private, kasi lahat nagiging public.

“Ang maganda dun alam namin ang mga nangyayari. Basta sa amin, sa amin lang yun,” seryosong pahayag ni Andre.

Mas gusto rin daw niyang private lang din ang samahan nila ng Mommy niya kahit napa-public ang kay Kobe.

Ang nakaka-proud kay Andre, kahit abala siya sa taping ng Descendants of the Sun at ilang commitments, nagagawa pa rin niyang mag-aral online.

Magga-graduate na pala siya sa AMA Online Education ng kursong Bachelor of English Studies at kapag okay sa schedule ay nagba-basketball din siya sa D’League sa team ng AMA.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with