^

Pang Movies

Isang milyong pirma para sa renewal ng ABS-CBN, kumakalat na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nangangalap nang isang milyong signatures ang isang website para hindi mapasara ang ABS-CBN. Marami raw mawawalan ng trabaho sa network kapag hindi na-renew ng franchise ng network ngayong Marso, 2020.

Marami na ring mga artista ang nanawagan kay President Rodrigo Duterte na i-renew ang prangkisa ng istasyon.

Preparado na naman daw ang Channel 2 kung sakaling hindi ma-renew ni P. Duterte ang franchise nila, dahil nakasentro sa digital platform ang ginagawa nito ngayon.

Eh halos lahat ng iba nilang shows eh nasa digital na, huh! Free TV lang naman ang mawawala sa kanila.

Kaso, nagsampa na ng quo warranty petition ang Solicitor General ng bansa dahil umano sa mga labag na provision sa pinirmahang franchise agreement ng network.

January 20 na ngayon. Sapat na ba ang isang milyong signatures para mabago ang isipan ni P. Duterte, Salve A.?

Ipagdarasal na lang, AiAi pagod nang tumulong kay Jiro

Naglabas na si AiAi de las Alas ng reaksyon kahapon sa Instagram stories sa pag-aresto sa anak-anakang si Jiro Manio para sa kasong frustrated murder nitong nakaraang mga araw.

Hati ang bahagi ng pahayag ni AiAi para maging malinaw ang nangyari after nung tulungan last 2015.

Ini-rehab at gumastos ng 60K kada buwan. Pinalabas at gagawin sana ang buhay niya sa Magpakailanman. Kinuhanan ng condo pero umayaw at kinumbinsi at umayaw muli dahil sa pabagu-bago nang isip.

Dinala muli sa rehab sa Bataan para malayo sa stress. “Until na may nagsumbong sa akin na nagma-marijuana siya. ‘Wala na, wala nang pag-asa. Parang hindi na magbabago,” saad ni AiAi.

Nawalan na sila ng communication for one and half years.

“Siguro alam ng nasa Itaas kung anong effort ang nagawa ko at naitulong ko sa kanya. Sana pinahalagahan niya.

“Siguro ang magagawa ko ngayon ay ipag­dasal ang kalaga-yan niya…Sana matuto sa lahat ng pinagdadaanan niya…

“Hinanap ko pa rin ang tatay niya sa Japan eh may parang tradisyon sa Japan na kapag 18 na eh wala nang control ang tatay niya.

“Sana malampasan niya ang lahat nang nangyari sa kanya. Sa lahat ng magdya-judge sa akin. God bless ko at alam ng Diyos ang ginawa ko para mapagbuti siya. God bless po at maramng salamat,” pahayag ni AiAi habang gumagaralgal ang boses.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with