^

Pang Movies

Kapalit ng Kadenang Ginto, fans nagpo-protesta Kim nagpo-protesta na pang-hapon ang teleserye nila ni Xian?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kapalit ng Kadenang Ginto, fans nagpo-protesta Kim nagpo-protesta na pang-hapon ang teleserye nila ni Xian?!

Mukhang totoo ang tsikang ang Love Thy Woman ng reel and real sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim ang papalit sa Kadenang Ginto na magtatapos na raw sa February 7.

Bukas kasi ay may pictorial na ang cast ng nasabing series.

So, tuloy sila sa afternoon slot kahit sinasabing may petisyon ang mga fan na gawing primetime ang series na ‘yon?

May mga nang-iintriga naman na hindi raw happy si Kim na sa afternoon slot ilalagay ang Love Thy Woman.

Tama kaya ang tsikang ‘yon at sagutin kaya ni Kim ang tungkol doon sa presscon ng Love Thy Woman?

Samantala, ang Kadenang Ginto naman, ang tsikang nasagap ko, sa February 1 na raw ang last taping day nila.

Bigyan kaya kaagad ng new show sina Dimples Romana at Beauty Gonzales?

Well…

Gretchen at Marjorie may pag-asa pa nga bang magkabati?

Alam mo, Ateng Salve, totoo ang kasabihang, “blood is thicker than water”, at naniniwala diyan ang beauty surgeon na si Dr. Manny Calayan.

Matindi rin kasi ang naging awayan ni Dr. Manny at ng niece niyang si Lalen Calayan na nauwi pa nga sa demandahan, pero after more than four years ay nagkaayos din sila.

Nang makatsikahan ko nga the other night si Dr. Manny, nabanggit niya na like them ng niece niya, naniniwala siya na kahit gaano katindi ang awayan ng magkapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto ay magkakabati rin ang dalawa.

“Kapag kadugo mo, kadugo mo! Kahit pa mag-away kayo, puwede kayong magkabati, na maayos ang problema n’yo!” sabi ni Dr. Manny.

Nice to hear that.

Aktor na galing sa showbiz clan, pagiging valet driver ang pinagkakaabalahan pag walang raket sa showbiz

Naniniwala si aktor na hindi talaga forever ang pagiging artista.

Hindi rin palaging may trabaho ang isang artista.

Si aktor na galing sa isang showbiz clan ay tagtuyot sa kasalukuyan. Walang gaanong project.

May mga kaibigan siyang aktor din na paminsan-minsan ay nahihi­ngan niya ng tulong, pero hindi naman palagi ‘yon.

Kahapon habang katsikahan ko siya, nabanggit niya na kapag walang trabaho, nagtatrabaho siya sa valet ng isang hotel sa Ortigas Center.

“Minimum lang ang bayad, ‘tapos, umaasa ako sa mga tip. Kagabi, naka-100 ako, kasi ‘yung ibang mga nagpapa-valet naman, 20 lang kung magbigay, karamihan pa, ‘thank you’ lang!” sabi ni aktor.

Sad, but true, kaya maraming mga artista ang nag-iisip ng mga negosyo.

Kahit nga sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kahit sabihing sobrang laki ng kinikita nila sa pag-aartista, kaliwa’t kanan din ang mga negosyo para nga naman sa future nila!

Lovi hindi na nagdadamot sa BF na producer

Balik-Pinas na si Lovi Poe.

Sa social media accounts niya ay naging “generous” si Lovi sa pagse-share ng activities nila sa Los Angeles, California ng boyfriend na Hollywood producer, si Montgomery Blencowe, pero kapag kaya nakatsikahan siya ng entertainment press ay magiging comfortable na kaya siya na magkuwento tungkol sa kanyang lovelife?

Anyway, noong isang gabi lang nakabalik sa bansa si Lovi at madaling-araw kahapon ay lumipad siya pa-Legaspi para sa pictorial ng Bench.

Ngayon ang balik niya ng Maynila at ratsada na naman siya sa work.

‘Yun na!

vuukle comment

KIM CHIU

LOVE THY WOMAN

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with