^

Pang Movies

Carla napagkamalang preggy

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Bago mapanood sa kanyang upcoming teleserye na Love of my Life sa GMA-7, nagparamdam muna sa kanyang fans ang Kapuso actress na si Rhian Ramos na super enjoy sa kanyang recently uploaded Bohol trip vlog with her friends.

Maraming netizens na ang panay ang comment ng kanilang pagka-miss sa Kapuso star na matagal-tagal na ring hindi nasisilayan sa telebisyon.

Lumabas naman ang adventu­rous side ni Rhian na game na game na nag-swing mula sa napakataas na bundok. 

Well, aabangan si Rhian kasama ang pagbabalik on-screen tambalan ng real-life couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, kasama rin sina Mikael Daez at Ms. Coney Reyes sa Love of my Life na mapapanood na ngayong Pebrero sa GMA-7.

But wait, napanood ko si Carla sa Eat Bulaga kahapon at may nagpapatanong kung preggy ito.

Parang may umbok daw kasi sa tiyan si Carla.

O baka naman sa suot na damit lang dahil ‘di ba nga minsan sa TV malaki lang tingnan pero in person naman ay payat.

KathNiel namigay ng kumot mga artista dagsa sa mga nabiktima ng Bulkang Taal

Grabe nagkanda-traffic traffic kahapon sa SLEX dahil dagsa ang mga naghanda ng relief goods.

Ang sarap makita na nagkakaisa talaga ang maraming kababayan natin kasama na ang maraming celebrity para maibsan ang pagdurusa ng mga Batangueño na nabiktima ng bulkang Taal na isang linggo na since magparam­dam ito ng pagsabog.

Samantala, nag-trending naman ang pagbisita ng KathNiel doon na nagdala ng mga kumot, timba, toiletries at iba pang kailangan ng mga bakwit sa maraming evacuation sa iba’t ibang bayan sa Batangas.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with