^

Pang Movies

Ayaw lumabas, Jennylyn takot makapitan ng virus

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ayaw lumabas, Jennylyn takot makapitan ng virus
Jennylyn

Nagkaroon na ng pictorial kahapon ang buong cast ng Descendants of the Sun, senyales na talagang nalalapit na ang airing ng isa sa pinakaaabangang teleserye ng taon.

Isa nga sa nakausap namin sa nasabing pictorial ay ang bida na si Jennylyn Mercado, ang gaganap na Dra. Maxine dela Cruz/Beauty at leading lady ni Dingdong Dantes na gaganap bilang Big Boss/Capt. Lucas Manalo.

Aminado naman si Jen na may pressure talaga on her part lalo pa nga’t isang malaking tagumpay ang original Korean version nito na pinagbidahan nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Pero aniya ay ginawa na lang talaga nila ang trabaho nila’t pinagbuti ang pagganap with the hope na sana naman ay mapantayan nila ang orihinal.

Thankful din si Jen sa produksyon na talagang hinintay ang kanyang schedule. Matatandaan ka­sing siya ang pinakahuling nag-taping para sa serye at ang akala nga ng lahat ay hindi na siya ang gaganap dahil nagte-taping na ang buong cast at siya na lang ang hindi. “Grateful ako, kasi di ba, kahit ang tagal na nilang naghihintay, napagtiyagaan pa rin ako,” sey niya.

At dahil nga nalalapit na ang Valentine’s Day ay tinanong namin si Jen kung saan nila ito ise-celebrate ni Dennis Trillo.

“Wala, rehearsal (para sa CoLove Live concert nila ni Dennis Trillo), kasi ayokong lumabas kasi baka magkasakit ako. Natatakot ako, eh. Tapos pagdating sa concert, bigla akong may virus, hindi ako makakanta, may ubo, sipon. Mabuting sa buong Feb ay kalma lang.”

Pati nga raw diet niya ay sobrang bantay din ngayon at puro healthy foods lang ang kinakain niya. Mahirap na raw magkasakit ngayon since papalapit na nga ang concert nila ni Dennis na gaganapin sa New Frontier Theater on Feb.15

Mica mas gustong maging simple

First time na mapapanood ng Star Magic talent na si Mica Javier (pamangkin ng Apo Hiking Society member na si Dani Javier) sa Ipaglaban Mo ngayong Sabado, Jan. 18. Aniya, matagal na raw niyang gustong mag-guest sa naturang programa kaya sobrang thankful niya sa RSB unit na binigyan siya ng chance ngayon.

Na-miss daw niya ang pagte-taping dahil nga tapos na ang Los Bastardos kung saan ay isa siya sa cast.

“Sobrang nag-enjoy ako. At saka, maganda rin ‘yung contrast sa cha­racter ko dito sa Ipaglaban Mo kaysa kay Lupita sa Los Bastardos kasi kay Lupita, sobrang kapal ng make-up ko do’n, sobrang fierce ‘yung hitsura ko. Dito naman, walang make-up at all, simpleng probinsyana.

“So, nagustuhan ko rin na I was able to play different types of my cha­racter,” she said.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with