^

Pang Movies

Kainan ni Alden, bukas na ulit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kainan ni Alden, bukas na ulit
Alden

Nagbukas na pala kahapon ang branch ng Concha’s, ang restaurant sa Silang, Cavite na pag-aari ni Alden Richards.

Ilang araw din nagsara ang Concha’s dahil naapektuhan ito ng makapal na ashfall na ibinuga ng Taal Volcano noong Linggo.

Mabuti naman kung ganun dahil ibig sabihin, unti-unti nang bumabalik sa normal ang pamumuhay sa mga bayan sa Cavite na apektado ng Taal Volcano eruption. Kawawa naman ang mga kababayan natin na may mga pamilya na binubuhay at pansamantala na nawalan ng source of income dahil sa galit ng bulkan ng Taal.

JC excited sa panganganak ng misis

Malapit na palang maging tatay si JC Santos dahil buntis ang kanyang misis.

Yes, kasal na raw si JC sa babae na pinili niyang makapiling habampanahon at excited na sila sa pagdating ng kanilang panganay.

At ipinagtapat ni JC ang mga pangyayari sa bagong chapter ng kanyang buhay sa grand presscon ng On Vodka, Beers and Regrets, ang pelikula nila ni Bela Padilla na showing sa mga sinehan sa February 5.

Naging magkaibigan sina JC at Bela mula nang magsama sila sa 100 Tula Para Kay Stella kaya sure na naikuwento ni JC sa kanyang perennial leading lady na kasal na siya at waiting sila ng misis niya sa kanilang magiging anak.

Papa Erwin nag-sorry sa pagmumura sa mga Batangueño

Nag-sorry na si Papa Erwin Tulfo sa mga kababayan natin sa Batangas na nasaktan sa pagmumura niya at bintang na pinabayaan ang mga kabayo na pinagkakakitaan bago pumutok noong Linggo ang Taal Volcano.

Hurt na hurt ang mga may-ari ng kabayo sa Taal island dahil wala raw katotohanan ang bintang ni Papa Erwin na inabandona nila ang mga pobreng kabayo.

Isang residente ng Taal ang hindi nakatiis kaya binuweltahan niya si Papa Erwin. Ang sabi ng lalake, siya ang tunay na Pilipino, hindi si Tulfo na puro dada, ala gawa.

Marami ang kumampi sa nag-emote na lalake dahil malalim ang hugot ng sama ng loob niya kay Tulfo. Hindi matanggap ng lalake na minura sila ni Papa Erwin dahil hindi raw nito alam ang buong pangyayari.

Nang malaman  ni Papa Erwin ang katotohanan, agad na naglabas siya ng public apology.

Hindi pa nagsasalita ang mga kababayan natin sa Batangas kung tinanggap na nila ang public apology ni Papa Erwin pero knowing them, sure ako na patatawarin nila si Papa Erwin dahil likas na mababait ang mga Batangueño na sobra ang pasasalamat sa lahat ng mga naghahatid sa kanila ng tulong tulad ng mga pagkain, tubig, damit at masks.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with