^

Pang Movies

Wala nang paki sa career Nadine at James honeymooners ang peg sa Brazil

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Wala nang paki sa career Nadine at James honeymooners ang peg sa Brazil
Nadine at James

Nagpunta naman si Brazil sina Nadine Lustre at James Reid. Dalawang bagay ang maiisip mo sa ginagawa nilang iyan. Una, sinasabi nilang talagang sinungaling lang ang nagsabing split na silang dalawa. Ikalawa, na wala na silang pakialam ano man ang ibunga ng kanilang relasyon sa ngayon sa kanilang career.

Kailan pa ang huling pelikula ni Nadine, na ­ilang pelikula rin naman ang nagawa na hindi maganda ang resulta. Kung iisipin mo ang career mo, dapat gumawa ka agad ng project para makabawi, pero sabi nga ng aming source “siya ang ayaw eh”.

Kailan pa rin naman nagkaroon ng activity si James? Matagal na ang huli niyang pelikula, at iyong concert naman niya last year, hindi mo masasabing impressive ang resulta.

Pero ngayon mas inuuna pa nila ang tila honeymoon nila ni Nadine, na parang hindi naman kailangan dahil matagal na silang live-in.

Gabby ayaw sumawsaw sa banggaang Sharon at KC

Marami ang nagsasabi, mukhang mas ok nga ang ginagawang pananahimik ni Gabby Concepcion tungkol sa nangyayaring “feud” sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Kasi kung hahalo pa nga siya sa usapan, natural na ang sasabihin ng mga tao kakampihan niya ang kanyang anak kaysa sa dati niyang asawa. Anak niya iyon eh, at maliwanag naman na nagkaroon din sila ng hindi magandang sitwasyon ng dati niyang asawa, kaya nga sila nagkahiwalay eh.

In the first place, masasabi ring hindi niya alam kung saan talaga nag-ugat ang problema ng dalawa. At kung may feud man o hindi pagkakasundo, tiyak na matagal na iyan.

Unang-una bakit nga ba humiwalay pa ng tirahan si KC sa kanyang pamilya?

Naging obvious lang iyan nang hindi sumipot si KC sa birthday presentation ni Sharon sa ASAP. Naunang napuna ng fans na wala nga si KC. Ang tanong naman diyan, nagkaroon ba ng effort ang show para mapapunta si KC? Isa pa, karaniwan namang ginagawa iyon eh, kung hindi nga makararating si KC, nagkaroon ba sila ng effort na kunan siya kahit na video man lang?

Iyong iba nga nasa abroad napakukunan nila ng video, bakit hindi si KC?

Isa pa, ang mga mga bagay na iyan ay hindi naman dapat na maging isang mala­king issue. Ang mali nga lang kasi, bakit inilabas pa sa social media ang samaan nila ng loob.

Iyan ay maaari nilang mapag-usapan nang matahimik, pero social media, para mong tinawag ang lahat ng mga kapitbahay at ang buong barangay at doon mo sinasabi ang problema mo. Hindi ka na rin dapat magtaka kung magkaroon man ng iba’t ibang opinion tungkol doon.

Kaya tama si Gabby. Tumahimik na lang siya, after all kahit na hindi siya nagsasalita alam naman ng kanyang anak na naroroon ang suporta niya.

Baka raw mahawa ng sakit sa evacuation center, takot din sa sulfur, plastikadang female star, tumangging mag-distribute ng relief goods

Napaka-plastic talaga ng isang female star. Ipinagyayabang pa niya ang kanyang “concern” diumano sa mga biktima ng volcanic eruption sa Batangas, pero nang yayain daw siya ng isang kabigan sa distribution ng relief goods na gusto nilang personal na dalhin, ang sabi daw ng female star ay “huwag na. Puro sulfur ang hangin doon eh at saka baka mahawa pa ako sa sakit noong mga nasa evacuation centers.”

Kunwari pa concerned tapos lumalabas na parang nandidiri naman pala siya sa mga biktima ng bulkan.

Kaya nga hindi sumikat-sikat iyan kahit na anong pagta-trying hard ang gawin. Kasi nahahalata agad ng fans ang pagiging plastic.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with