^

Pang Movies

Kisses lapitin ng intriga!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kisses lapitin ng intriga!
Kisses

Mukhang sweet naman si Kisses Delavin, pero bakit kaya palaging may nang-iintriga sa kanya?

May nagtsika kasi sa akin na may komontra raw noong una sa side ng young actress tungkol sa pagpapareha rito ng Regal Entertainment, Inc. kay McCoy de Leon sa pelikulang D’Ninang, pero mabuti na lang at hindi ko basta sinulat ‘yon dahil ayon naman kay Roselle Monteverde, walang ganoong istorya.

Marami rin ang nagsasabing mabait itong si Kisses at madalas lang na intrigahin ng iba.

Anyway, ngayong bago na ang management company ni Kisses, hopefully ay mailapit na siya sa press para naman mas makilala siya ng marami at malaman na sweet din ang young actress!

Right, Ateng Salve?

‘Yun na!

ABS-CBN hinihintay mag-bid sa IBC-13

Ngayong 2020 ay inaasahang mapa-privatize na ang government sequestered station na IBC-13.

Inaayos na raw ‘yon.

Tinanong ko si IBC-13 President and CEO Kat de Castro tungkol doon at sinabing kailangan daw munang magkaroon ng bidding.

Ang isang taga-Trese naman na nakausap ko ay nagsabing by February raw ang bidding.

Puwede raw na by June ay private TV network na ang Channel 13.

Kung saka-sakali, may-bid kaya ang ABS-CBN lalo na at matindi ang balitang baka hindi talaga ma-renew ang franchise nila?

Well…

 Lotlot at Monching tumulad na kina Pops and Martin

Alam mo, Ateng Salve, naaliw lang ako sa driver ng Grab na nasakyan ko kamakailan.

May TV kasi siya at palabas sa TV Patrol ang interview sa ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Kuha sa presscon ng Two-Gether Again, ang concert series nina Martin at Pops sa The Theater at Solaire ang interbyung ‘yon sa kanila.

Komento ng driver, “Parang ang weird na nagko-concert na magkasama ang dating mag-asawa.”

Sabi ko naman sa driver, “Hindi po ba mas weird ‘yung naghiwalay na kayo, pero nag-aaway pa rin kayo?!”

Mas maganda naman ‘yung ex-couples na after nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ay naging friends naman.

Dalawa lang sina Martin at Pops sa magandang example ng ex-couples na naging maganda ang samahan.

Katulad din nina Martin at Pops sina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren-Morrow, na the best of friends na, pati ang mga bago nilang karelasyon na sina Regine Velasquez-Alcasid at Mark Morrow, respectively.

Lately nga, pati ang ex-couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher ay mukhang good friends na rin.

Noong Christmas nga ay magkakasama pa sila ng mga anak na sina Janine, Jessica, Maxine at Diego Gutierrez, at kasama nila ang new husband ni Lotlot na si Fadi El Soury.

Mas maganda ang ganoon, ‘di ba, Ateng Salve, na kung nagsasama kayo at hindi magkasundo sa mga bagay-bagay, kung mapag­desisyunan n’yo na maghiwalay, aba, dapat ‘yung away naman ay mawala na at magkasundu-sundo na, para naman happy ang lahat, lalo na at may mga anak kayo!

Ang bongga lang kapag ganoon!

Speaking of Lotlot, very soon ay haharap siya sa entertainment press kasama ang new manager niya na si Leo Dominguez.

Tinatapos lang muna ni Lotlot ang iWant digital movie na Beauty Queen na pinangungunahan ni Ms. Gloria Diaz.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with