^

Pang Movies

Makasama lang... Juday willing to wait kay Coco

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Makasama lang...  Juday willing to wait kay Coco
Juday

Kahit daw posibleng matagalan pa ang gagawin niyang pelikula with Coco Martin, since nasa finishing palang ito ng movie na Love Or Money ni Angelica Panganiban na handog ng Star Cinema, ay okay lang daw kay Judy Ann Santos.

Type rin daw muna niyang magpahinga at mag-focus sa pagiging nanay sa kanyang three kids na sina Yohan, Lucho at Luna, lalo na kay Luna, bago siya magtrabaho uli.

Ito rin daw ang dahilan niya kung bakit wala muna siyang balak gumawa ng serye, which could require her to tape longer than usual. Besides, na-enjoy daw niya ng husto ang last serye na ginawa niya, ang Starla.

Feeling daw niya, kapag pinapanood niya ito ay nagiging bata siyang muli.

“Ang sarap ng feeling na bawat hiling mo, puwedeng mapagbigyan ni Starla,” ani Juday.

Si Starla ay ginampanan ng child actress na si Jana Agoncillo.

Crisha Uy hindi makalimutan ang pang-iiwan ni Joem

Traumatic daw ang experience para sa ex-girlfriend ni Joem Bascon na si Crisha Uy ang ginawa nitong pakikipaghiwalay sa kanya.

She doesn’t deny na umasa rin siya na magpapakasal sila, in time.

So, what could have triggered Joem to break-up with her?

Totoo kayang may kinalaman si Meryll Soriano sa kanilang hiwalayan na minsang naging dyowa rin ni Joem?

“Naku, hindi raw po,” anang isang close kay Meryll. “At this point in time, Meryll said, ang ma-inlove muli is the least of her priority. Naka-focus daw siya ngayon sa kanyang showbiz career at sa pag-aalaga sa anak na si Elijah.”

No doubt nga naman na naging maganda ang takbo ng career ni Meryll last year. Two projects ang ginawa niya, where she had for co-star si Joem.

One of them is in the movie, Culion, the other one is Starla.

Si Elijah ay anak niya kay Bernard Palanca. Ang mga magulang naman niya ay sina Willie Revillame at Bec Bec Soriano na kapatid ni Maricel Soriano.

Yeng tutok sa paggawa ng baby

Priority daw ngayon ni Yeng Cons­tantino at ng kanyang asawa na si Yan Asuncion ang magkaanak. Oras na raw para sila ay maging mga magulang.

They are now both in their 30s.

Yeng is doing well pagdating sa career. She won best actress trophy sa Gabi Ng Parangal para sa pelikulang Write About Love na entry sa Manila Film Festival 2019.

As a singer, she is not just one of the best but one of the most in demand, too. She composed some songs na hindi lang para sa kanya, kung hindi para rin sa iba.

As she and Yan thinks, the best career pa rin daw ang maging magulang.

Kaya good luck to the both of you, Yeng and Yan.

Julia at Joshua halatang hinanap ang isa’t isa

Former couple Julia Barretto at Joshua Garcia admits na somehow ay na-missed nila ang isa’t isa, which obviously the reason kung bakit parang pleased sila na makita ang isa’t isa sa presscon ng pelikula nilang Block Z na idinirek ni Mikhail Red.

Naka-focus ang pelikulang ito sa mga zombie na suddenly na lang ay nagdatingan sa kanilang campus.

University students ang role na gina­gampanan nina Julia at Joshua, kasama rin nila sina Yves Flores, Myrtle Sarroza, Maris Racal at McCoy de Leon.

Featured din sina Ian Veneracion, Ina Raymundo at Dimples Romana.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with