^

Pang Movies

Derek mag-aaral na ring gawing pangkabuhayan ang mga abo ng bulkan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Derek mag-aaral na ring gawing pangkabuhayan ang mga abo ng bulkan!
Derek

Tahimik na tahimik si Derek Ramsay habang iniipon niya ang isang pumpon ng magagandang bulaklak na nakuha niya sa Lipa habang sila ay naghahandang maghatid ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan sa Taal.

Minsan naman kasi hindi lang ang material na kailangan ang nagpapasaya sa tumatanggap ng tulong kung hindi iyong nalalaman nila na naroroon ang malasakit. At naalala nga niya na kung may kasamang bulaklak ang kanyang ibibigay makakagaan iyon sa kanilang kalooban.

Tama naman siguro ang ginawa ni Derek dahil matapos niyang ibigay ang bulaklak kasama ng mga pagkain, ibinaba nila ang lalagyan ng pagkain, hawak ang mga bulaklak, lumapit sila at yumakap kay Derek.

Lahat ay ganoon ang nangyari kaya nagtagal talaga ang distribution niya ng kanyang relief goods.

Ngayon, naisip nga rin ni Derek na hindi dapat diyan tumigil ang kanyang pagtulong. Aware rin kasi siya na ang mga abo ng bulkan ay nagagawang bricks at nagagamit sa pagtatayo ng mga bahay.

Marami na ang ginawang ganyan sa Pampanga, kaya nga nag-alok si Derek na pag-aaralan din niya ang technology noon at ituturo sa mga taga-Batangas upang pakinabangan din nila ang abong inilabas ng bulkan.

Kung magagawa nga naman iyon, isa na namang industriyang pangkabuhayan ang masisimulan sa Batangas at marami ang makikinabang.

Matalino talaga si Derek.

Ate Vi biglang naalala ang nanay 

Si Ate Vi naman halos walang tigil. Nakakita kasi siya nang kaunting problema eh at alam naman ninyo iyan, basta ganoon siya ang nasa top of the situation.

Iniisa-isa niya ang mga maliliit na bata at ang mga matatanda na ayon nga sa kanya ay kailangan ang mas matinding atensiyon na baka nga hindi nila nakukuha iyon sa evacuation centers na masyado na ngang masikip. Nag-iisip din nga siya kung saan sila maililipat pero in the meantime na wala nga sinisikap niyang siya mismo ang titingin sa kanilang kapakanan.

“Sa tuwing nakakakita ako ng matatanda na nangangailangan ng tulong, ang naaalala ko si mama.

“Ang totoo hindi pa ako nakaka-get over sa pagkawala ni Mama. Naalala ko nga noong isang araw. Ano kaya ang gagawin ko kung inabot ng volcanic eruption ng Taal si Mama. Hindi ko na siguro alam ang gagawin ko,” sabi ni Ate Vi.

Ngayon nga raw hindi na niya iniisip kung ano pa ang maaaring mangyari. Ang iniisip nga raw niya sa ngayon ay kung papaano makakaahon ang lahat pagkatapos ng trahedyang iyan.

“Maraming nasira pero kaunti lamang ang nasaktan at ang binawian ng buhay,” ang sabi pa niya.

Naniniwala naman si Ate Vi na makakaba­ngon ang Batangas lalo na’t napakalakas nga ng kanilang debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with