^

Pang Movies

Matteo hindi na kinalimutan ang pagsusundalo

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Matteo hindi na kinalimutan ang pagsusundalo
Matteo

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagamit ng athlete-actor-entrepreneur na si Matteo Guidicelli ang kanyang pagiging 2nd Lieutenant ng Philippine Army nang ito’y tumulong sa distribution ng relief goods kasama ang kanyang mga kapatid sa army sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano.

Hindi rin nagpabaya ang actress-philanthropist na si Angel Locsin. Maging ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jayson Francisco ay namili at nag-empake rin mga grocery items for distribution sa mga nasalanta ng Taal Volcano eruption. Hindi rin nagpahuli ang kinatawan ng long district ng Lipa, Batangas na si Vilma Santos-Recto.

Nakakatuwa ang ilang mga kilalang celebrities na agad  tumutugon at hindi nagkakait ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan  sa panahon ng kalamidad.

Indonesian remake ng Kadenang Ginto, nag-umpisa na 

Ngayong malapit nang magtapos sa ere ang Kadenang Ginto na tinatampukan nina Beauty Gonzales, Dimples Romana, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Adrian Alandy at iba pa na magkatulong na pinamamahalaan nina Jerry Lopez Sineneng, Jojo Saguin at John Lapus, masaya namang ibinalita ni Deo Endrinal ng Dreamscape Entertainment na nagsimula na umanong mag-air on Indonesian television, ANTV ang Indonesian remake ng program na pinamagatang Putri Mahkota (Crown Princess). Ito bale ang kauna-unahang pagkakataon na ni-remake sa ibang bansa (Indonesia) ang Kadenang Ginto na mahigit isang taon nang namamayagpag sa ere.

Kean at Chynna nagpa-throwback sa love story

Parehong hands-on parents sa kanilang dalawang anak na sina Stellar at Salem ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Five years older si Chynna kay Kean. 37 si Chynna at 32 naman si Kean pero pareho ang kanilang passion sa music maging as parents sa kanilang dalawang supling.

Hindi ikinakaila ni Kean na nung mga teenager pa sila ay crush na niya umano si Chynna na napapanood niya noon sa youth-oriented program na Click sa GMA-7 at maging sa pelikulang Kuya.

Pinsan ni Kean ang naging stylist noon ni Chynna kaya nakahingi ito ng picture ni Chynna na may dedication pa sa likod ng litrato. Dapat sana’y makaka-date ni Kean si Chynna sa kanyang graduation ball pero hindi umano ito natuloy. Ganunpaman, nagkakilala ang dalawa in 2007 at naging magkaibigan. Bago pa lamang noon si Chynna sa showbiz.

Nagtuluy-tuloy ang showbiz career ni Chynna hanggang siya’y ipareha sa kanyang ka-loveteam na si Railey Valeroso na naging boyfriend din niya. Pero nagkahiwalay din ang dalawa.

In 2013 ay muling nag-krus ang landas nina Chynna at Kean nang magsama ang dalawa sa isang episode ng Wagas. Ito ang naging simula ng kanilang pagiging magkaibigang muli hanggang sa ito’y nauwi sa pagpapakasal in December 2015.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with