^

Pang Movies

John Lloyd hindi kinayang mawala ang kita sa showbiz

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
John Lloyd hindi kinayang mawala ang kita sa showbiz
John Lloyd

Kasama sa omnibus plug ng ABS-CBN ang movies ng Star Cinema at ABS-CBN Films ang pelikula ni John Lloyd Cruz na Servando Magdamag. Patunay ito na hindi pa rin niya tatalikuran ang pag-aartista.

Masyadong mabilis ang pagpapakita ng plugging ng movie ni John Lloyd at wala ring inilagay na detalye gaya ng sino ang director.

Ipinakita lang ang eksena ni John Lloyd na parang nakaluhod. May nag-aakalang ito ‘yung pelikulang ginagawa ng aktor na parang si Lav Diaz ang director.

Masaya ang fans ni John Lloyd na may mapapanood silang pelikula ng actor sa 2020.

Thea napagastos nang makipag-break kay Mikoy

Pinanindigan nina Thea Tolentino at Mikoy Morales ang “on and off” relationship nila dahil two weeks ago, break na naman ang dalawa.

Ito ang ibinalita ni Thea nang makausap namin sa taping ng Madrasta na kung saan, gumaganap siyang kontrabida.

Mutual decision daw nila ni Mikoy na maghiwalay uli.

“For our growth ang reason ng break up namin. Nagkaiyakan ng konti, pero maayos ang pag-uusap namin at ang maganda the friendship is still there. Magkaibigan pa rin kami at noong isang araw nga, magkasama pa kami. Napansin ko kasi naging dependent ako sa kanya na bawat gawin ko, kailangan aprub sa kanya. So we have to part way,” sabi ni Thea.

Napansin lang ni Thea na hindi na naniniwala ang friends nila na break na sila. Pati nga tatay niya tinanong siya kung totoo ang hiwalayan nila at kung wala ng balikan.

Hindi naman mukhang heartbroken si Thea at malaking tulong na busy siya sa Madrasta at studies. Ang patunay lang na apektado siya ay napagastos siya ng mag-mall.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with