Alden gustong matuto sa mga bata
MANILA, Philippines — Sunud-sunod ang mga pagkilalang natatanggap ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards matapos magwagi bilang Best Actor in a TV series sa 4th GEMS Awards 2019 para sa kanyang The Gift.
Samantala, kasalukuyan pa ring bumibida si Alden bilang Sep sa primetime series at patuloy itong tinatangkilik ng viewers at netizens.
Challenging pero tinanggap din ni Alden ang hamon ng pagiging host sa upcoming musical game show na Centerstage sa GMA Network para sa mga chikiting. Makakasama rito ni Alden ang mga kilalang personalidad sa larangan ng musika na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, Mel Villena, at Betong Sumaya.
Pagbabahagi ni Alden, excited na raw siya makilala ang contestants, “I want to learn from them as well, sa mga bata, that’s what I want them to see how I will interact with these talented kids.”
Martin may pinatunayan sa pag-arte
Pinatunayan talaga ng Kapuso star na si Martin del Rosario na isa siyang versatile actor matapos siyang magwagi bilang Best Leading Male Performance-Digital sa kanyang natatanging pagganap sa Born Beautiful.
Personal niyang tinanggap ang trophy sa nagdaang 24th Asian TV Awards noong Sabado.
- Latest