^

Pang Movies

Direktor sinuwapang ang supplier ng blank bullet na kailangan sa shooting

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Buwisit na buwisit ang supplier ng mga blank bullet sa director ng isang programa.

Kasi naman daw, kinuha ng director ang maliit na negosyo nila at ang una ngayon ang siya nang supplier ng blank bullet kapag kailangan sa mga eksena.

Eh dagdag sana sa kita ng supplier ang negosyong ‘yon eh sinuwapang ng director kaya minumura na lang nila ito nang talikuran.

Wala na ngang trabaho, nawalan pa ng maliit na negosyo, huh!

Mga artista tulung-tulong sa pagbibigay ng donasyon

Patuloy na nagdarasal si Congresswoman Vilma Santos-Recto na huwag nang tumaas ang alert level sa kasalukuyang level 4 ng Taal Volcano.

Kapag tumaas ang level nito mula sa Alert 4 eh mas marami raw maaapektuhang lugar kasama na ang Metro Manila.

Sa interview kay Cong. Vi ng DZMM, naghahanda na sila sa magiging worst scenario kung sakaling mangyari ito.

“Huwag naman po sanang mangyari ‘yon,” saad ni Cong. Vilma ng Lipa City.

Dating governor ng Batangas province si Congresswoman Vilma bago naging kongresista.

Samantala, nagsimula na si Angel Locsin na magpamudmod ng mga kailangan ng mga biktima ng Taal Volcano at sumunod sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Nakilahok na rin si Anne Curtis katuwang ang kilalang wholesale store kung saan puwedeng ibigay ang donasyon nila.

Sinu-sino pa ang susunod na mga celebrity?

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with