^

Pang Movies

Rita gifted, parang manghuhula

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rita gifted, parang manghuhula
Rita

Kinuwento ni Ken Chan ang special gift na meron ang ka-loveteam niyang si Rita Daniela.

Tuwing may sasabihin daw ito sa kanya na isang pangyayari, bigla raw itong nagkakatotoo.

“Ilang beses na niyang nagawa ‘yan sa akin and every time, nagkakatotoo. Tulad nitong pag-host namin sa All-Out Sundays, siya ang unang nagsabi sa akin nito bago pa man kami sinabihan na kasama kami sa show.

“Nakakakilabot minsan, pero positive naman ang lahat nang sinasabi ni Rita parati,” sey ni Ken.

Nag-explain naman si Rita na bata pa lang daw siya ay meron na siyang ganitong gift.

“Visions po siya. It’s like a gift of dreams. I feel that God talks to me through these dreams. Very vivid ‘yung mga dream. As in detalyado siya. Kaya ko siyang basahin.

“Minsan kasi nami-misinterpret ng iba na para akong manghuhula. Pero it’s more of showing me na may ganitong mangyayari sa taong malapit sa akin. Whether it’s good or something bad, sinasabihan ko ang taong iyon na nasa panaginip ko.

“Pero yung mga visions ko, hindi para sa kahit sino. Yun lang mga malalapit sa akin like family and friends.”

Isang example na nakitaan niya ng magandang dream ay si Julie Anne San Jose. Nakita raw ni Rita na magkakaroon ito ng concert na ang title ay may word na “time”.

“This was way back in 2011 during the GMA Artists Ball. Bigla akong nagkaroon ng vision about Julie. Kinausap ko siya at sinabi ko na may vision ako na magkakaroon siya ng isang concert na may “time” sa title.

“Natawa lang si Julie kasi parang imposible raw na magkaroon siya ng concert. Pero tatandaan daw niya ang sinabi kong iyon.

“Then two years later in 2013, nagkaroon nga siya ng first concert niya titled It’s My Time. Kinilabutan po ako and naalala rin ni Julie ‘yung sinabi ko sa kanya. So positive things po like that ang usually nakikita ko.”

English actor na si Jude Law inaabangan ang pagiging pope

Nag-viral ang eksena ng 47-year old English actor na si Jude Law na n­aglalakad ito sa beach at suot lamang ay white skimpy speedo trunks.

Namangha ang marami sa ganda pa rin ng katawan ng aktor despite of his age. Minsan na nga kasing tinanghal si Jude Law bilang Sexiest Man Alive ng People magazine noong 2004.

Ang naturang nag-viral na eksena ay dream sequence para sa kanyang HBO show na The New Pope.

Gumanap si Law bilang Pope Belardo na na-comatose at ang dream sequence na iyon nasa beach siya na puro mga seksing babae ay senyales na muli siyang magigising.

Nagsimula na noong January 10 ang spin-off ng The Young Pope na The New Pope kung saan kasama niya sina John Malkovich, Silvio Orlando, Cecille de France at special guest stars sina Sharon Stone at Marilyn Manson.

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with