^

Pang Movies

Aktres insecure sa mga eksena ng ibang unit director ng kanyang serye

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sinita ng isang actress ang isa sa unit directors ng series na kinabibilangan niya.

Eh, ibang artista ang idinirek niya at hindi kasama ang aktres, napanood ng aktres ang mga eksena at nagandahan siya.

Sabi raw ng aktres, dapat eh ‘yung mga eksenang ‘yon ay sa kanya niya ini-execute! Hindi pinayagan ng aktres na ipalabas ang eksenang ‘yon.

Nilimitahan na kasi siya ng aktres sa mga eksenang dapat nitong idirek at kailangan aprubahan muna niya.

AiAi nagpaambon ng mga biyaya sa mga bagong inaanak

Success ang pagiging ninang ni AiAi delas Alas sa Pabinyag ng Bayan sa Quiapo church last Sunday na sponsored ng Radio Veritas.

Imagine, kahit hindi niya kilala ang mga bata eh, ikinatuwa naman niyang magninang dahil mahihirap ‘yung mga baby na hindi pa nabibinyagan.

“Natuto rin ako na ang araw ng pagbibinyag ay kailangang i-celebrate dahil yun ang araw ng pangalawang pagsilang natin,” text sa amin ni AiAi.

Bilang ninang, inilista ng Comedy Queen sa isang notebook ang lahat ng mga inaanak.

“Balang araw, kapag nangailangan ng tulong ang mga magulang nila eh kilala ko sila,” rason niya.

Sina Bishop Teodoro Bacani at Father Anton ang nag-officiate ng binyag.

Naging maayos ang binyagan at nagpaambon ng grasya si AiAi sa mga bagong inaanak.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with