^

Pang Movies

AiAi nagpaka-ninang sa mga ‘di kilalang bata

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
AiAi nagpaka-ninang sa mga �di kilalang bata
AiAi

Natuloy kahapon ang pagiging ninang ng bayan ni AiAi Delas Alas sa Quiapo Church.

Sa labindalawang bata na bininyagan, tatlo ang inanak ni AiAi sa binyag.

Masayang-masaya si AiAi dahil nakapagpasaya siya ng mga magulang na hindi niya personal na kilala. Ipinakuha ni AiAi ang mga pangalan, home address at contact numbers ng kanyang mga bagong kumare at kumpare dahil gusto rin niya na masubaybayan ang paglaki ng mga inaanak niya sa binyag.

Siyempre, hindi nakalimutan ni AiAi na i-remind sa kanyang mga bagong kumare at kumpare na suportahan ang bagong movie niya na showing sa mga sinehan sa January 22, ang D’Ninang ng Regal Entertainment Inc.

Batang tampok sa Wish Ko Lang sinuwerte sa umampong magulang

Touching ang kuwento ng batang si Lance sa Wish Ko Lang ni Vicky Morales na napanood ko sa GMA-7 noong Sabado.

Ipinamigay si Lance ng mga magulang niya noong eight months old pa lang siya.

Inampon si Lance ng mag-asawa na may mga anak. Mabait naman ang babae pero namatay ito at naiwan si Lance sa adoptive father at mga anak nito na hindi naging mabait sa kanya.

May kapitbahay sila na isang single mother na may anak na nakikita ang masamang ginagawa kay Lance ng mga anak na nag-ampon sa kanya.

Nag-decide ang single mother na ito na lang ang aampon kay Lance. Lumaking mabait, magalang at matulungin si Lance.

Nag-aaral siya kahit hirap ang buhay at kailangan pa niya na magtinda ng daing at tinapa kapag walang pasok sa school.

Kahit ganoon pala ang sitwasyon ng isang bata, hirap sa buhay at hindi sa mga tunay na magulang lumaki, taglay pa rin niya ang likas na kabaitan.

Kahanga-hanga si Lance, may kurot sa puso ang istorya niya. Imagine ang suwerte na pinakawalan ng mga magulang niya na nag-abandona sa kanya?

Sana isang anak na maipagmamalaki nila ang kasama nila nga­yon. And how can a mother give away her child she carried for nine months?

Sa ending, nahanap ni Vicky Morales at ng kanyang Wish Ko Lang team ang mga tunay na magulang ni Lance.

Ang sabi ni Lance, sa ngayon, ang kinalakihan niyang ina ang kanyang gusto pero masaya siya na nakita niya ang tunay na ina at masuwerte raw siya dahil dalawa ang nanay niya.

I wish Lance will be happy. Isa siyang mabuting bata, at sana hanggang paglaki maging ganun pa rin siya kabait. God will guide you Lance.

‘A loving son to a great mother, salute’

I hate Bum Tenorio, Salve. I cry remembering my own mother everytime I read about Candida, Bum’s mother. Ang open love niya for his mom, ang happiness niya writing about his joy sa pagbibigay ngayon ng lahat ng gusto ng mother niya, ang pagsasabi niya that he will save para madala sa Paris si Nanay Candida para makita nito ang Eiffel Towers, talagang kumurot sa puso ko.

Kasi gustung-gusto ko na makasakay ng plane ang mother ko dahil para sa kanya, parang magic at hindi totoo na lumilipad ang eroplano pero hindi nangyari dahil that time wala pa akong enough money to bring her kung saan niya gustong pumunta.

The time na puwede na, hindi na siya puwede sumakay sa eroplano dahil grabe na ang vertigo niya kaya every time na nababasa ko ang pagmamahal ni Bum sa nanay niya, inggit at panghihinayang ang napi-feel ko.

How I wish like Bum, nadala ko rin sa Taiwan at Seoul ang nanay ko. I hate you Bum dahil ang lucky mo at ang suwerte ni Nanay Candida na may anak siya na Bum Tenorio. A loving son, to a great mother. Salute.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with