^

Pang Movies

Pero aminadong na-miss ang isa’t isa Joshua at Julia walang imikan kahit magkasama

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pero aminadong na-miss ang isa�t isa Joshua at Julia walang imikan kahit magkasama
Joshua at Julia

Kapansin-pansin ang hindi halos pag-uusap nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa presscon ng pelikulang Block Z na ginanap last Saturday night.

Ang Block Z ang opening salvo ng Star Cinema for 2020 at matatandaang last year pa ito ginawa ng JoshLia at naabutan na nga ito ng kanilang break-up.

Aside from the break-up, it could be recalled that Julia made the headlines at the end of 2019 dahil sa break-up nina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil itinuturong ang young actress ang third party.

Bukod dito ay nagkaroon ng napakalaki ring kontrobersiya si Julia na may kinalaman naman sa kanyang pamilya.

Needless to say ay napakaraming nangyari sa buhay nila in a span of few months at base sa reaksyon nila sa presscon last Saturday, mukhang matagal na silang hindi nagkikita’t parang ilang na ilang sa isa’t isa.

Nakapagitna sa kanila ang direktor na si Mikhail Red and all through-out the presscon ay puro tinginan lang sila although kapag may kailangang sagutin na tanong na para sa kanilang dalawa ay may mga maliliit na pag-uusap namang nagaganap.

Sa pagsisimula pa lang ng presscon ay nagsabi na ang hosts na i-limit lang ang questions tungkol sa pelikula. Meaning, huwag nang tanungin pa ang dalawa tungkol sa mga personal issues and controversies na alam naman natin kung ano yun, especially sa part ni Julia na nagkaroon ng family issue.

In fairness, natanong naman sa dalawa kung kumusta na ang working relationship nila at this point lalo pa nga’t magkakasama pa sila sa promo since sa Jan. 29 pa ang showing ng pelikula.

Nagkatinginan muna ang dalawa at si Joshua ang unang sumagot.

“Okay naman kami. Okay kami. And. . .” sabi ni Joshua at nag-pause (the usual Joshua’s pause kapag tinatanong). “Okay kami,” ulit niya.

“Actually, nun’g nakita ko siya, ‘eto, personally, ano ‘ko, parang na-miss ko rin siya. Kasi siyempre, tagal naming hindi nagkasama, na-busy siya, na-busy ako,” dagdag ng young actor.

Sinegundahan naman ni Julia ang sinabi ng ex-boyfie.

“We’re okay, thank you for asking and that’s one of the things na I’m super-grateful for, we were able to protect and make sure that the friendship will stay and will remain.

“And tama siya, when I first saw him also, it felt familiar, kung baga. Parang... it’s a… familiar place, it’s a comfortable place, safe place,” pahayag ni Julia.

Online seller kinasuhan dahil sa singsing na kulang sa carat

Sa panahon ngayon, dahil sa busy schedules hindi lang ng mga artista, kungdi pati na rin ang ibang ordinaryong mamamayan, they resort to online shopping.

Pero hindi lahat ng online shopper ay maganda ang karanasan. Tulad na lamang ng naranasan ng negosyanteng si Maricar Banaag na nagsampa ng estafa case sa isang online seller ng alahas na nagngangalang Daisy Borja.

Nakasaad sa complaint affidavit ni Maricar filed at the Parañaque Prosecutor’s office last December 26, 2019, “Ms. Daisy Borja offered through a live selling video a ring specifically representing that the diamond was 1.25 carats in weight but it turns out when I got it weighed with my setter, it only weighed 0.71 carat.”

She also stated, “I made a bid for the ring and won as the highest bidder. Paid for it via a check Php 405,295 which includes the Php 160,000 for the diamond ring. The check was cleared October 18 and got it the day after.”

Nang sabihin daw niya sa seller ang kanyang reklamo sa diamond ring na kulang nga ito sa carat, sa halip na makipag-ayos sa kanya or mag-apologize or mag-offer ng refund ay na-block pa siya nito sa Facebook.

Nahaharap si Borja sa mga kasong estafa at paglabas sa Article 50 at 64(k) ng Republic Act 7364 o Consumer Protection Act of the Philippines tungkol sa pagbabawal sa mapanlinlang na paraan ng pagbebenta.

Ayon kay Banaag, si Borja ay may-ari ng iba’t ibang online business kasama na ang Ninang Daisy’s Online Shop at Miracle Jewels online shoppe sa Facebook na kanyang ginagamit upang magbenta ng mga produkto.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with