^

Pang Movies

Nora hindi nauubusan ng biyaya

Vir Gonzales - Pang-masa
Nora hindi nauubusan ng biyaya
Nora

MANILA, Philippines — May kasabihan nga na ‘when God closes a door, he opens a window,’ kaya naman hindi na rin masyadong nalungkot si Nora Aunor at ang Noranians nang hindi makapasok ang pekulika niyang Ang Isa Pang Bahaghari bilang entry sa Metro Manila Film Festival 2019 at hindi rin matuloy ang isa pa niyang pelikulang dapat gagawin, ang Ninang Corazon.

Pinalitan naman kasi ito ng seryeng Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit kung saan makakasama niya sina Kyline Alcantara at Mylene Dizon, kaya nagbunyi pa rin ang kanyang mga tagahanga dahil hindi mababakante ang kanilang idolo. Parang hindi ito nauubusan ng biyaya.

Samantala, bukod kina Kyline at Mylene, makakasama rin nila sina Isabel Rivas, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Yasser Marta at marami pang iba. Mula ito sa direksyon ni Laurice Guillen.

Sharon ayaw pilitin si KC na magkuwento

Bukod sa isyung pagkaka-link kay Apl.de.ap, usap-usapan din ang hindi pagpapakita ng panganay ni Sharon Cuneta kay Gabby Concepcion na si KC Concepcion sa birthday tribute ng ASAP Natin ‘To kay Megastar.

Ayon kay Sharon, wala raw siyang balita sa anak. Hindi niya rin daw alam ang tungkol sa kanila ni Apl, kaya siguro hindi maiiwasang magkaroon ito ng hinanakit kay KC.

Bagama’t nasa 30’s na raw ito, inaasahan pa rin naman daw ni Sharon na magkukuwento ang anak sa mga nangyayari sa buhay nito, pero hindi niya raw ito mapipilit dahil may sariling buhay na ang anak.

Juday tinawag na flop queen!

Hindi raw tamang tawaging flop queen si Judy Ann Santos, dahil karamihan naman sa mga pelikula nito ay umani ng ilang awards at siya bilang best actress, katulad na lang ng pelikula niyang Mindanao na idinirek ni Direk Brillante Mendoza.

Nanalo si Juday ng best actress sa ilang international film festivals at pati na rin sa MMFF 2019.

Samantala, katatapos lang ng serye niyang Starla, bagama’t ayaw pa itong tapusin ng mga sumusubaybay, kailangan na niya kasing asikasuhin ang pelikula nila diumano ni Coco Martin, pati na rin ang iba nilang negosyo ng asawang si Ryan Agoncillo.

JD Domagoso guest nina Pops at Martin sa concert

Kahit na matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera, nanatili pa rin silang magkaibigan para sa kanilang mga anak na sina Rob at Ram.

May ibang partner na ngayon si Martin, ito ay si Anj del Rosario, habang si Pops naman ay single pa rin.

Samantala, sa concert nilang gagawin na dalawa, ang Twogether Again na gaga­napin sa Solaire, guest nila ang anak ni Mayor Isko Moreno na si JD Domagoso.

Halatang namana nito ang pagiging bibo ng ama noong ito ay nag-aartista pa, kaya hindi maitatangging anak nga siya ni Yorme.

Mapapanood si JD sa bagong show ng GMA 7 tuwing Sunday, ang All-Out Sundays.

Ian sunud-sunod ang concerts, bihira na sa TV

Sa January 19 may concert si Ian Veneracion sa Moronggo Casino sa U.S.A. kasama si Jona.

Kuwento ni Edgar Mande na nasa Amerika ngayon, panonoorin niya raw ang show ni Ian.

Sunud-sunod ang concerts niya kaya no wonder, bihira na siyang mapanood sa mga serye sa Kapa­milya.

Maligayang kaarawan!

January born movie celebrants na sina Apa Ongpin, Belle Fernando, Catriona Gray, Sharon Cuneta, Beth Rosal, Barbara Perez, John Rendez, Rowena Bautista Revilla at Flerida Pinili

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with