^

Pang Movies

US-based na boyfriend ni Yam sa Pinas na maninirahan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
US-based na boyfriend ni Yam sa Pinas na maninirahan
Miguel, Yam

Mukhang nagwu-work ang LDR (long distance relationship) na relasyon sa pagitan ng 31-year-old Viva and Kampamilya star na si Yam Concepcion dahil limang taon na ang itinatatakbo ng relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Miguel Cuunjieng na nagtatrabaho at naka-base sa Amerika.

Kapag may panahon si Miguel ay umuuwi ito ng Pilipinas para magkita sila ni Yam at may pagkakataon na nagbabakasyon sila tulad nitong Christmas holidays na nagtungo sila ng Hawaii. Wala umano sa immediate plans ni Yam na mag-relocate sa Amerika dahil sa magandang takbo ng kanyang trabaho sa Pilipinas bilang actress. Ang maganda, baka ang boyfriend niyang si Miguel ang bumalik ng Pilipinas this year at dito na mamirmihan.

Maganda ang simula ng bagong taon kay Yam dahil meron siyang bagong pelikula  na pinagbibidahan, ang horror film na Nightshift mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas under Viva Films at Alliud Entertainment na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa January 22. Meron din siyang upcoming TV series, ang romance-drama na Love Thy Woman kung saan niya kasama ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim na magkatulong na pinamamahalaan nina Jeffrey Jeturian at Jerry Lopez Sineneng.

In 2018 at 2019, pinag-usapan nang husto at sinubaybayan ng mga televiewer ang hit primetime TV series na Halik na tinampukan nila nina Jericho Rosales, Sam Milby at Yen Santos. Ito bale ang nagsilbing biggest break kay Yam sa telebisyon in her entire career.  Kaya naman sobra ang kanyang pasasalamat sa mga tumangkilik ng Halik teleserye.

Samantala, hindi naman issue kay Yam kung sinalo niya ang role originally offered to Erich Gonzales sa Love Thy Woman.  Hindi na umano mahalaga kung sino ang first choice for the role kundi siya ang naging second and final choice para gampanan ang papel ni Dana Wong.

Janella buwenas sa career at lovelife!

Hanggang January 17 na lamang mapapanood ang hit primetime TV series na The Killer Bride na tinatampukan nina Maja Salvador, Janella Salvador, Joshua Garcia at Geoff Eigenmann at sa January 20, araw ng Lunes ay mapapanood naman ang bagong magsisimulang primetime action-drama series na A Soldier’s Heart na pangungunahan ni Gerald Anderson kung saan kasama ang ex-boyfriend ni Janella na si Elmo Magalona. Palitan ng programa ang dating magkasintahan.

Magmula nang maghiwalay sina Janella at Elmo ay never na nagkatrabahong muli ang dalawa at ‘yon na rin ang end ng kanilang loveteam.

Masaya si Janella sa takbo ng kanyang career ngayon at masaya rin ang kanyang puso ngayon dahil nariyan  ang Filipino-British young actor na si Marcus Patterson na nagpapasaya sa kanya ngayon. Although wala pang tahasang pag-amin na nagmumula kina Janella at Marcus, marami ang nagpapatotoo sa relasyon ng dalawa ngayon.

Still on Janella, masaya ang 21-year-old singer-actress na naging close sila ng kanyang tiyahin na si Maja Salvador nang magsama sila sa The Killer Bride. Bago ang pagsasama nila sa nasabing serye ay hindi ganoon ka-close ang dalawa kahit alam nilang sila’y magkamag-aanak.

“Ang The Killer Bride ang nag-pave ng way para maging close kami ni Janella,” pahayag ni Maja na nakaramdam ng `lukso ng dugo’ nang una silang magkita ng kanyang pamangkin.

Sina Maja at Janella ang siyang nagpapatuloy sa showbiz na nagmula sa Salvador Clan.

Ang isa pa nilang kamag-anak na kasama sa The Killer Bride ay ang aktres na si Jobelle Salvador na pinsan Maja at isa pang tiyahin ni Janella.  Tiyuhin bale nina Maja at Jobelle ang veteran actor na si Phillip Salvador at lolo naman ni Janella.

vuukle comment

MIGUEL CUUNJIENG

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with