^

Pang Movies

AiAi ayaw tantanan ng LBTQ!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dahil sa kanyang opinion na pabor siya sa naging hatol ng Korte Suprema, at talagang hindi siya naniniwala sa kasal ng mga bakla at tomboy, may mga LGBT na nagsabing ibo-boycott nila ang mga pelikula ni AiAi delas Alas.

“Baka nakalimutan niya kung saan siya sumikat, sa comedy bars. Ang maraming patrons diyan LGBT, tapos ngayon magsasa­lita siya nang ganoon kaya marami sa amin boycott sa pelikula niya. Siguro naramdaman na nga nila eh, maraming LGBT na nag-boycott kahit na sa pelikula nila sa festival kaya hindi talaga kumita nang malaki,” sabi ng isang LGBT personality sa amin.

Sa parte naman ni AiAi, sinagot na niya iyan eh. Sinabi niyang hindi siya tutol sa relasyon ng mga bakla at mga tomboy, ang sinasabi lang niya siguro naman hindi na dapat umabot pa doon sa pagpapakasal na itinatakda lamang naman ng batas para sa isang babae at isang lalaki. Inamin naman ni AiAi na bilang isang Katoliko, sumusunod siya sa stand ng simbahan na hindi puwede ang same sex marriage.

Bawat tao naman ay may kanya-kanyang opi­nion o paninindigan sa kahit na anong issue. Hindi naman maaaring lahat ay sang-ayon sa iisang paniniwala. Hindi naman siguro tama na dahil sa sinuportahan ng LGBT si AiAi noong nagsisimula pa lamang siya ay dapat na suportahan na rin niya ang lahat ng gustong mangyari ng LGBT.

Kailangan siguro irespeto rin nila ang opinion ni AiAi, after all hindi ba hinihingi rin naman nila na irespeto sila ng nakararami? Parang mali naman yata iyon dahil lang doon magbo-boycott sila sa mga pelikula ni AiAi.

Ito pa naman ang panahon na siguro masasabi ngang kailangan niya ng suporta dahil ang ilang magkakasunod na pelikula ni AiAi ay puro hindi kumita. Iyon namang isang pelikula ni AiAi, bumagsak na kahit wala pa  ang issue na iyan ng LGBT, kaya siguro hindi naman nila maipagyayabang na sila nga ang makakapagpabagsak kay AiAi.

Janella at nanay na si Jenine hindi pa tapos ang away

“Oras na ako na ang magsalita lahat kayo magagalit sa kanya, kaya huwag ninyo akong pilitin,” ang banta ng singer na si Jenine Desiderio sa nagsasabi sa kanyang minsan mali na ang sinasabi niya tungkol sa kanyang anak na si Janella Salvador.

Minsan kasi, hindi mo maiaalis sa isang ina na magbigay ng ilang utos sa kanyang anak, lalo na at alam niyang iyon naman ang ikabubuti noon. Minsan naman may mga anak na rebelde na ayaw talaga sumunod sa kagustuhan ng magulang. Iyan ay mas magandang pinag-uusapan nila, na sa palagay namin ay isang pagkakataong wala sila pareho.

Sana nga lang, maayos din ang kanilang problema. Masyado nang matagal.

Fashion designer na-modus ng model/artista!

May mga taga-showbiz na nautangan ng mga inaakala nilang showbiz personalities din na naging “friend” lang naman nila sa social media. Iyong mga supposed to be nangungutang hindi naman makikipagharap, sasabihin sa iyo na ipadala sa “money transfer”. Lahat halos naging biktima ng ganyan na kalaunan hindi naman daw ang supposed to be pinautang nila ang talagang nangutang. Kung sila man iyon, maaari nga nilang mai-deny dahil hindi naman sila magkakilala at hindi naman sila magkaharap nang magka-abutan ng pera.

Naging biktima ng ganyang modus operandi ang isang fashion designer na nautangan ng P20,000 ng inaakala niyang isang model at artista, na hindi naman niya kilala. Malinaw na naloko siya.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with