^

Pang Movies

Jodi ayaw na ayaw nang pag-usapan si Jolo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jodi ayaw na ayaw nang pag-usapan si Jolo

Ayaw talagang pag-usapan ni Jodi Sta. Maria ang ex-boyfriend niyang si Jolo Revilla na as we all know ay ikinasal last December sa beauty queen na si Angelica Alita.

Natanong kasi kay Jodi sa presscon ng latest project niya sa iWant na My Single Lady kung ano ang na-feel niya nang ikasal si Jolo at umiwas ang aktres na sagutin ito.

“Ay, naku, tapos na po ‘yun, huwag na po nating pag-usapan,” natatawa niyang sambit.

Single lady raw siya ngayon at masaya naman daw siya sa estado niya ngayon.

Samantala, sumabak na rin si Jodi sa pagpo-produce dahil bukod sa bida, siya ang producer ng My Single Lady kasama sina Zanjoe Marudo at Ian Veneracion.

Magsisimula nang i-stream sa iWant ang My Single Lady sa Jan. 22 mula sa direksyon ni Carlo Catu.

Ang cute ng trailer ng teleserye at kakaibang Jodi naman ang mapapanood this time.

AiAi naitago ang matinding pinagdaanan noong 2019

Ayon kay Comedy Queen AiAi delas Alas, matitindi ang pinagdaanan niya noong 2019 kaya ang pangako niya sa sarili this year, muli siyang babangon.

“Ngayong 2020, ako po ay babangon at muling makikibaka sa buhay. ‘Yan po ang gagawin natin,” pahayag ni AiAi sa presscon ng first movie niya for the year, ang D’Ninang ng Regal Entertainment.

Natanong nga si AiAi kung ano ba ang hindi magandang pinagdaanan niya last year dahil hindi naman ito nahalata sa kanya.

“Wala sa paningin ninyo pero sa paningin ko ay marami,” natatawa niyang sagot.

Pero kung sa aspetong personal life naman daw ay masasabi niyang masaya ito but just the same, marami raw siyang pinagdadaanan na hindi nalalaman ng mga tao.

“Ako lang ang nakakaalam. Pero pagdating sa buhay may-asawa ko, isa ‘yun sa napakaswerte ko sa buhay ko dahil napakabait ng asawa ko,” sabi ni AiAi.

Kaya nga happy siya na sa pagbubukas ng 2020 ay may bago siyang pelikula.

“Ang masaya pa niyan, every time na nasa Regal Films ako , sinusuwerte talaga ako, and praise God, kumikita lahat ng pelikula ko sa Regal,” she said.

Natanong din si AiAi tungkol sa bagong Sunday show ng GMA-7, ang All-Out Sundays na pinalit sa Sunday PinaSaya. This time ay hindi na kasi kasama si Comedy Queen at aminado siyang nanibago siya na wala na siyang show pag Sunday.

“Na parang ‘ay, Sunday pala ngayon.’ Usually maaga akong nagsisimba, tapos nagwo-work na ako. Okay naman, 4 years and 4 months (ang Sunday Pinasaya), matagal din ‘yun.”

Napanood niya ang pilot episode ng AOS last Sunday at medyo nanganganay pa raw since kasisimula pa nga lang. “Parang nanganganay pa naman sila, pero hoping na mag-improve siya as day goes,” aniya.

Samantala, natanong namin si AiAi sa kanyang thoughts sa problemang kinakaharap ngayon ng ABS-CBN na as we all know ay dati niyang istasyon. Bukod nga rito ay marami rin siyang kaibigan doon.

“Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari pero siyempre, lahat tayo hoping for the best para kasi sa lahat ng mga tao na nagtatrabaho sa Kapamilya channel. So hoping for the best,” she said.

Ano ang masasabi niya sa tsikang maglilipatan na sa Kapuso ang mga Kapamilya stars?

“Ah, welcome sa Kapuso,” natatawa niyang sabi, “hindi naman sa akin ang istasyon.”

Anyway, showing na ang D’Ninang ngayong Jan. 22 at kasama rin sa cast sina Kisses Delavin, McCoy De Leon, Kiray Celis, Kelvin Miranda, Joey Marquez, Lou Veloso and Regal Baby Angel Guardian, mula sa direksyon ni GB Sampedro.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with