^

Pang Movies

Pops magiging judge sa bagong show ni Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

January pa lamang, sunud-sunod na ang blessings na tinatanggap ni Alden Richards. Patuloy na nagti-trending ang kanyang inspirational drama series na The Gift gabi-gabi sa primetime telebabad ng GMA Network. 

Every Sunday din ay pinangungunahan ni Alden ang bagong Sunday noontime show na All-Out Sundays kasama ng iba pang top Kapuso stars.

Tinanggap naman ni Alden na ma­ging isa sa mga special guests ng mag-sweetheart na Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang CoLove Valentine concert on February 15, 2020 sa New Frontier Theater.

Pero ngayon pa lamang, may nakahanda nang bagong show si Alden, this time, siya ang magho-host ng bagong musical-game show na mga bata ang mga contestant. Wala pa kaming details kung paano tatakbo ang show pero noon pa ay may pa-audition na ang GMA sa mga batang gustong maging contestants. 

Last Sunday, January 5, nakita rin namin na naka-post na sa Museum Room ng GMA Network Annex ang mga drawings ng mga bata.

Last Thursday, after mag-taping si Alden ng The Gift, nagkaroon na sila ng plug shoot para sa bagong show. 

Makakasama ni Alden si Betong Sumaya as the Journey host at ang mga judge  sina Ms. Aicelle Santos, musical director Mel Villena at The Concert Queen Pops Fernandez.

College student na ale, nanalo ng bagong bahay

Ang ganda rin ng pasok ng New Year kay Jenny Canaveral, ang nanalo ng house and lot mula sa Bria Homes, sa pamamagitan ng UH20: Bagong Bahay sa 2020, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest running morning show na Unang Hirit.

Ang mga sumali ay nagpadala lamang ng liham sa UH kung bakit gusto nilang manalo ng sariling bahay at lupa. Pinili ang winner sa criteria na: nilalaman ng kuwento (50%), emosyong naipadama ng istorya (30%) at linaw ng pagkakalahad ng kuwento (210%).

Si Jenny ay 40 years old, taga-San Jose del Monte, Bulacan. Nag-aaral siya ngayon ng Bachelor of Science in Elementary Education. Isang construction worker ang kanyang asawa at may dalawa silang anak.  Hindi raw nakaranas si Jenny na makatira sa sariling bahay at lupa simula pa noong bata siya.  Ngayon ay nakatira lamang sila sa isang barong-barong sa lupa na pinababantayan sa kanyang biyenan. 

Kahit may edad na si Jenny, sinikap niyang mag-aral ng college, sa pag-asang mabago ang kanilang buhay.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with