^

Pang Movies

Kathryn at Daniel gusto pang mag-grow bago pakasal

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Seven years na ring magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagsimula sa set ng afternoon TV series na Princess and I kung saan din tampok sina Enrique Gil at Khalil Ramos. 

Sa nasabing serye sinubukan kung sino kina Daniel, Enrique at Khalil ang magki-click bilang ka-loveteam si Kathryn and it turned out na si Daniel.

Si Enrique ay nakahanap ng ka-loveteam kay Liza Soberano habang ang real-life girlfriend ni Khalil ay ang Kapuso young star na si Gabbi Garcia.

Dahil sa matagal na ring relasyon nina Kathryn at Daniel ay nag-grow na rin ang dalawa to be more matured persons pagdating sa roles na kanilang ginagampanan both sa TV at pelikula maging sa kanilang mga personal decisions in life.

At 24 (Daniel) and Kathryn (23), wala pa umano sa kanilang immediate plans ang kanilang pagpapakasal dahil bukod sa bata pa sila pareho, gusto nilang i-enjoy ang kanilang relasyon bilang magkasintahan pero kasama umano sa kanilang mga plano ang pagkakaroon ng sariling pamilya balang araw na wala namang magiging problema dahil pareho silang suportado ng kanilang respective families.

Sharon malungkot

Nakakalungkot sa isang ina tulad ng Megastar na si Sharon Cuneta na hindi man lamang alam ang mga bagong kaganapan sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion dahil hindi ito nagsasabi sa kanya lately.

Hindi rin aware si Sharon na nauugnay ngayon si KC kay Apl.de.ap ng Black Eyed Peas o si Allan Pineda at sa ibang tao pa niya ito nalaman.

Kung si KC ay nagpahatid ng kanyang pagbati sa kaarawan ng ina sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, idinaan din ni Sharon sa kanyang social media account ang kanyang sagot at open letter sa anak dahil ni hindi umano nagpapadala ng message sa kanya si KC bagay na ipinagtataka nito (Sharon).

Bilang ina, gusto ni Sharon na malaman ang nangyayari kay KC at kung meron man itong pinagdadaanan ngayon.

Kahit 34 na si KC at may sariling desisyon sa kanyang sarili, gusto pa rin iparamdam ni Sharon sa kanyang panganay na nariyan pa rin siya at ang kanyang pamilya na naghihintay lamang sa kanya.

Si KC ay na-link na rin noon kay Allan Pineda pero hindi ito nagtagal. Mukhang muling nag-reconnect ang dalawa tulad sa kanila ng kanyang French ex-boyfriend na si Pierre Emmanual Plassart na inakala ng marami na siya nang makakatuluyan ni KC.

Liza ipinaglaban si Enrique sa tatay!

Kung sina Kathryn at Daniel ay pitong taon nang magkasintahan, five years naman ang relasyon nina Liza Soberano at Enrique Gil na nagsimula when she was 17 na tinutulan ng kanyang ama na ayaw pa noon na magkaroon ng boyfriend ang kanyang anak dahil bata pa ito. Pero ipinakita naman ni Enrique ang kanyang mabuting intention kay Liza hanggang napapayag ang ama nito.

Sina Liza at Enrique ay muling mapapanood sa kanilang ikaapat at pinakabagong teleserye na pinamagatang Make It With You na magsisimulang mapanood sa ere ngayong January 13, araw ng Lunes. 

Ito’y magkatulong na pinamamahalaan nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellana mula sa panulat ni Marco Angos.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with