^

Pang Movies

Liza at Enrique walang planong ilihim ang pagpapakasal

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Liza at Enrique walang planong ilihim ang pagpapakasal
Liza at Enrique

Para kay Liza Soberano, ang “craziest thing” na ginawa niya para sa pag-ibig ay nang mahalin niya si Enrigue Gil at an early age of 17 at ipinaglaban daw niya ito talaga sa kanyang mga magulang.

“Bawal pa ako mag-boyfriend noon pero matigas ang ulo ko. Sabi ko sa daddy ko, masaya ako. ‘Kung gusto mo na masaya ako ay papayagan mo ako,’” pahayag ni Liza sa presscon ng upcoming teleserye nila ni Quen na Make It With You.

Ngayon ay 22 years old na ang aktres kaya kung bibilangin ay 5 years na ang relasyon nila ni Quen, and going stronger.

Ayon naman kay Quen, sobrang pinatunayan din naman niya sa pamilya ni Liza na talagang mahal niya ang dalaga kaya naman bandang huli ay pumayag na rin ang mga ito sa kanilang relasyon.

Lalo tuloy lumakas ang hinala na baka nga may wedding plans na ang dalawa tulad ng napapabalita.

Pero nilinaw naman agad ng dalawa na malayo pa raw ang pagpapakasal sa isip nila since bata pa si Liza.

Ayon sa aktres, if ever na dumating naman daw sila sa ganun’g desisyon ay sasabihin naman daw nila at hindi nila itatago.

When asked kung ano ba ang ideal age nila for marriage, ayon sa aktres, basta raw before 30 gusto niyang magpakasal.

Okay lang ba ito kay Quen at hindi ba siya maiinip since mas matanda siya kay Liza?

“Of course, siyempre, kailangan ko ring irespeto ‘yung age niya, ‘yung career namin ngayon, but huwag kayong mag-alala, promise,” sabi ni Quen at nagtilian ang mga LizQuen fans na nasa loob ng Dolphy Theater.

Dagdag pa ni Quen, “malapit na” pero binawi rin at aniya’y nagbibiro lang siya.

Nang matanong naman kung ano pa ba ang gusto nilang gawin together tulad nga ng title ng teleserye niyang Make It With You, ayon kay Liza ay gusto pa niyang makagawa sila ng magagandang projects together, mag-travel at marami pang iba.

“Go to another country na hindi pa po naming napupuntahan and siguro, do a dream project together na hindi pa po namin nagagawa,” she said.

“And maybe a business together?” dagdag pa ng akres.

Samantala, ang Make It With You ay ang pagbabalik sa teleserye ng LizQuen after Bagani in 2018. Sa trailer pa lang ay kitang-kitang kakaibang-kakaiba ito sa huling serye nila and this time ay romantic-comedy naman ito na kinunan pa ang ilang bahagi sa Croatia.

Magsisimula na ngayong Lunes, Jan. 13 ang Make It With You sa Primetime Bida ng ABS-CBN at kasama rin sa serye sina Ian Veneracion, Katya Santos, Fumiya Sankai, Eddie Gutierrez, Pokwang at Vangie Labalan. Also in the cast are Jeremiah Lisbo, Anthony Jennings and Daniela Stranner. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano at sa panulat ni Mark Angos.

Sammie ibinubugaw ng sariling magulang sa IP

Masayang-masaya ang Kapamilya singer/dancer na si Sammie Rimando ng GirlTrends dahil finally ay mapapanood na siya sa kanyang first ever lead role sa Ipaglaban Mo ngayong Sabado.

Sa episode titled Cyberbugaw, gagampanan ni Sammie ang papel na Kriza na ibinenta ng mga magulang sa cybersex at prostitution para kumita ng pera sa kanilang pamilya.

“Pinilit ako ng mga magulang ko na makipag-cybersex sa iba’t ibang mga lalaki,” ang deskripsyon ni Sammie sa kanyang role.

Kapareha naman ni Sammie rito si Ryle Santiago ng Hashtags na lagi rin niyang kasama sa It’s Showtime kaya kumportableng-kumportable raw sila sa taping.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with