^

Pang Movies

Liza Diño iimbestigahan ang film company na nagha-hire ng menor-de-edad!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Liza Diño iimbestigahan ang film company na nagha-hire ng menor-de-edad!
Liza

Nakatakdang aksyunan ni Liza Diño-Seguerra, Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang natanggap na reports na may isang production company na nagha-hire ng minors na walang proper working permits.

Ayon pa sa post ni Liza sa kanyang Facebook page, “Paying them a below standard rate, and making them work from 1am Sunday until 2am of the morning of Monday.

“26 HOURS! Mga bata ‘to, maawa naman kayo!”

Isang imbestigasyon ang isasagawa ng FDCP kasama ang Labor and Employment Office tungkol sa report dahil maliwanag ito na paglabag sa Labor Laws. Lahat ng companies ay kailangan nga namang sundin ang batas lalo na sa minors na kinukuha nila.

Ayon sa Labor Laws, may limit sa oras ang mga batang nagtatrabaho sa entertainment fields at kailangan may working child permit sa DOLE. Kailangan not more than four hours a day o not more than 20 hours a week.

Hindi rin siya puwedeng magtrabaho between 8PM and 6AM the following day.

Naku, hindi lang sa movies  nangyayari ‘yan kundi pati sa TV shows, huh!

Hulihin ‘yan at parusahan.

AiAi hindi affected sa mga nag-nega sa kanyang same sex marriage statement

Dedma na si AiAi delas Alas sa bashing na natanggap niya dahil sa pinalabas niyang opinion na against siya sa same sex marriage.

Kaugnay ito ng pahayag niya na kapag may kumukuha sa kanya bilang ninang sa same sex marriage, hindi siya pumupunta at nagbibigay na lang siya nang pakimkim.

“Wala silang magagawa. Lahat tayo may opinyon…tao lang tayo. Ang mahalaga ok lang ang opinyun ko sa mata ng Diyos,” text sa amin ni Ai Ai.

Gustong ipaalam ni Ai na wala siyang Twitter at madalas sa Instagram siya mag-post lalo na’t iisa lang ang basher niya roon.

“Ha! Ha! Ha! Isa lang at tinanong ako minsan ng, ‘How’ your pre-marital sex?’ Eh may asawa ako, so paano ako magkakaroon nun? Hahahaha! Nakakaloka! Syugaers!” saad pa ng Comedy Queen sa amin.

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with