^

Pang Movies

Kisses nag-tour lang sa GMA, open pa ring mag-guest sa Abs-Cbn

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kisses nag-tour lang sa GMA, open pa ring mag-guest sa Abs-Cbn
Kisses

Nagsilbing tour guide ni Kisses Delavin si AiAi de las Alas nang sabay silang ma-guest sa The Boobay and Tekla Show  sa GMA para sa Regal movie nilang D’ Ninang.

Pero sa grand launch ng family comedy, nilinaw ni Kisses nagbago lang siya ng management team, ang Triple A, pero puwede pa siyang maging guest sa Channel 2 shows.

 “Management po ‘yung nilipatan ko muna. Hindi pa po ako lumipat ng network. So ngayon freelancer po ako.

 “Saka sa suporta ni Miss Ai, sobrang grateful po ako sa ginawa niya especially sa mommy ko last year. Meron pong mga issue.

 “At saka tinour niya po ako sa GMA-7, sa studio. Masaya po ‘yung tour,” pahayag ni Kisses sa presscon ng movie.

 “Nu’ng may issue siya last year, siyempre, pinatanggol ko siya. Kilala ko naman siya. Kilala ko ang mommy at daddy niya.

 “So ‘yon. Siyempre love ko ‘to. Anak ko ito. Lahat ng nakakasama ko sa pelikula, nagiging close ko. Parang mga anak ko na kahit hindi ko anak sa totoong buhay.

 “Kaya nilibot ko siya. Ito ang studio 7, ang pinakamalaking studio. Heto ang dressing room kemerut! Ganoon,” saad naman ni AiAi.

So puwede pa siyang lumabas sa dating network?

“Sa ABS-CBN? Oo, for sure!

 “Sa ngayon po kasi, hindi ko pa alam ang posisyon ng management ko, pero makakaasa po ang ABS-CBN na walang nagbago sa pagtingin ko sa kanila. Mahal ko pa rin sila!” deklara ni Kisses.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with