^

Pang Movies

Judy Ann, laging naiisyung lalayas sa Kapamilya

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Judy Ann, laging naiisyung lalayas sa Kapamilya
Judy Ann

Mananatiling Kapamilya si Judy Ann Santos. Ito ang binitiwang pahayag ng aktres nang matanong siya sa finale presscon ng Starla.

Dahil nga magtatapos na ang serye, many are wondering kung may plano ba siyang lumipat dahil ito ang laging issue sa kanya sa tuwing may matatapos siyang project sa ABS-CBN.

 “Ewan ko ba, parang ganu’n nga yata siguro ‘yun pagka... baka nagkakataon lang na everytime na may matatapos akong soap, mage-end na rin ‘yung contract and everything, so everybody is assuming na baka lilipat ng station.

 “Pero sa tinagal-tagal ko naman sa ABS-CBN, though hindi ko itatago, may mga moment naman nun’g kabataan ko, naiisip mo ‘yun, ‘di ba? Pagka may tampo ka, pag halimbawang mayroon kayong miscommunication or misunderstanding ng mother network, you always think of something big to do. ‘Yung ‘ayoko na.’

“Pero you’ll always go back, you always go back to where you began, where you started, and napag-uusapan naman ang mga bagay-bagay. Kaya nga we are called Kapamilya,” pahayag ni Juday.

Nasasabi naman daw niya ang mga gusto niyang sabihin sa mga Kapamilya executives kung halimbawang may problema at nase-settle naman daw.

Proud pang sabi ni Juday, siya na lang daw yata ang hindi umalis sa ABS-CBN kaya hindi maiwasang mag-isip ang mga tao na lilipat siya.

“Parang hinihintay na lang yata nilang ‘baka this time,” natatawa pang sey ni Juday.

After Starla ay sa pelikula muna magko-concentrate si Juday dahil may dalawang pelikula raw siyang naka-line-up na gawin.

Angeline willing ibigay ang souvenir ni Coco kay Julia

Iniingatan pa rin ni Angeline Quinto ang kwintas na ibinigay sa kanya ni Coco Martin years back. Matatandaang na-link ang dalawa habang ginagawa nila noon ang pelikulang Born To Love You at pinaniniwalang nagkaroon talaga sila ng short relationship.

Ayaw nang i-recall pa ni Angeline ang nangyari at ayaw na rin niyang sagutin kung naging sila ba or hindi. Pero nang matanong nga tungkol sa kwintas sa pocket interview ng Voices For Love na pre-Valentine concert nila ni Jed Madela, aniya ay nasa kanya pa rin naman ito.

Biniro rin si Angge (tawag kay Angeline) ng press na paano raw kung makita ni Julia Montes na suot niya ang kwintas.

As we all know, up to now ay hindi pa rin namamatay ang tsikang may relasyon sina Julia and Coco at nadagdagan pa nga dahil may tsismis ngang may anak na sila.

Biro rin ang naging sagot ni Angge sa tanong.

“Eh di bigay ko na lang sa kanya. ‘Sa ‘yo na lang,’ ganun,” natatawang sambit ng Birit Queen.

“Hindi, okay naman din kami ni Julia. Actually nga, inaantay ko siyang bumalik ng ano, eh (ng showbiz),” seryosong saad ni Angge.

Wala pa ba si Julia sa bansa?

“Sa ngayon, hindi ko pa po alam. Pero kasi nga, dahil nga nanggaling din siya ng Cornerstone (Entertainment, Inc.) kapag nakikita ko na nagpo-post ‘yung dating handler niya, si Kuya Mac, nakakatuwa lang,” sagot ni Angeline.

 Ang Cornerstone Entertainment, Inc. ang management nila ni Julia na pag-aaari ni Eric Raymundo.

When asked kung okay naman si Julia, sagot ni Angge, “opo.”

Pero hindi pa naman daw niya nakikita ulit ang aktres simula nang bumalik ito at sa picture lang daw niya nakikita.

“Basta ang sabi lang ni Kuya Mac nang magkita kami, “Ge (shortcut ng Angge), kinakamusta ka ni Julia.”

Kaswal na natanong sa kanya kung nakita na ba niya ang sinasabing baby nina Julia at Coco at sagot niya, wala naman daw siyang alam tungkol sa issue.

Pabiro siyang sinabihan ng press na “echosera,” at sagot niya, “mamatay na. ‘Totoo, hindi ko alam. Kung may maririnig man ako, hindi ko kasi ugali ‘yung ‘uy, totoo ba ‘yung tsika?’”

Dagdag pa niya, “eh di kung totoo, eh di excited akong makita ‘yung bata. Kung hindi, okay lang din.”

Inamin din ni Angeline na may mga nagtatanong din sa kanya regarding this at aniya ay hindi rin niya alam talaga ang isasagot niya.

Sa ngayon ay wala raw siyang lovelife kaya sa Valentine’s Day ay nganga siya at magtatrabaho na lang tulad nga nitong Voices For Love dinner concert nila ni Jed na gaganapin sa Feb. 12 sa Marriott Hotel.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with