^

Pang Movies

Sharon at KC madalas magtampuhan!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sharon at KC madalas magtampuhan!
Sharon at KC

Marami ang naniniwala na may tampuhan ngayon ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion at obvious ito sa hindi pagsipot ng huli sa birthday celebration ng ina sa ASAP Natin `To kung saan dumalo ang mister ng Megastar na si Sen. Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel last Sunday.

Minsan na ring nagkaroon ng tampuhan noon ang mag-inang Sharon at KC pero sa kalaunan ay nagkaayos din ang dalawa.

Si KC ay nali-link ngayon kay Apl.de.ap o Allan Pineda ng Black Eyed Peas na na-link din sa kanya noon pero hindi ito nag-prosper.

Huling na-link si KC sa kanyang nakabalikang French ex-boyfriend na si Piere Emmanuel Plassart pero nauwi rin ito sa hiwalayan.

Bukod kay Allan Pineda, naging boyfriend din noon ni KC ang ilang celebrities tulad nina Rico Blanco, Billy Crawford, Piolo Pascual, Paulo Avelino, Lino Cayetano at maging ang football player na si Alexander ‘Aly’ Borromeo. Naging boyfriend din niya ang French national na si Ugo de Charette nung siya’y nag-aaral pa sa Paris.

Sharon turned 54 last January 6.

Dingdong at Jennylyn hahatulan na sa DOTS

Matapos mapanood sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado bilang hosts ng ika-7th season ng reality talent search na Starstruck 2019, muling mapapanood ang dalawa sa upcoming action-drama series ng GMA-7, ang local adaptation ng 2016 Korean hit drama TV series na Descendants of the Sun na pinamamahalaan ni Dominic Zapata.

Tampok din sa nasabing serye sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, Lucho Ayala, Paul Salas, Chariz Solomon, Andre Paras at iba pa.

Bukod sa bagong serye, abala rin ngayon si Jennylyn sa paghahanda sa kanilang February concert ng boyfriend niyang si Dennis Trillo na gaganapin sa New Frontier Theater on February 15, 2020 sa ganap na ika-7 ng gabi.

Pinamagatang CoLove Live, magi-ging star-studded ang naturang concert ng magkasintahan dahil sa rami ng kanilang special guests.

Si Dingdong ang tinaguriang Kapuso Primetime King habang Ultimate Star naman si Jennylyn.

Teacher Georcelle todo pasalamat sa Talanation

Bukod sa Pop Star na si Sarah Geronimo, nagpapasalamat din si Teacher Georcelle sa publiko sa pagtangkilik sa dance moves ng hit song ni Sarah G. na Tala na kung saan ay siya mismo ang nag-choreograph sa music video.

January 2016 pa na-release at naging hit ang Tala pero ngayon lamang ito naging viral sa social media at ginawang dance challenge hindi lamang ng ordinary netizens kung hindi maging ng kilalang celebrities.

vuukle comment

KC CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with