^

Pang Movies

Rocco malapit nang matapos ang ipinapatayong dream house

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rocco malapit nang matapos ang ipinapatayong dream house
Rocco

First post ni Kapuso actor Rocco Nacino sa kanyang Instagram wall ang photo niyang nakatanaw sa view mula sa balcony ng kanyang dream house na ipinatatayo sa Antipolo City. Isa ito sa blessings na ipinagpapasalamat niya sa taong ito.

“First post para sa 2020. Claiming all your blessings for this year Lord! Konti na lang, Rocco, ‘yan na magiging view mo tuwing umaga. #Hello2020.”

Malapit na ngang matapos ang dream house na ipinatatayo niya at very soon, ready na rin siyang lumipat sa bagong bahay.

“Mula po ito sa mga blessing na natanggap ko kay Lord at sa pamamagitan ng hard work,” sabi ni Rocco. “Matagal ko nang dream ito at hindi naman Niya ipinagkait sa akin. Kaya salamat po, salamat.”

At very soon, isa pa sa mga blessings na natanggap ni Rocco in 2019, ang makasama siya sa big cast ng upcoming Philippine adaptation ng Korean hit drama na Descendants of the Sun na pangungunahan ni Dingdong Dantes as the Big Boss.  Gagampanan naman ni Rocco ang role ni Diego Ramos o si Wolf.

“Isa po itong napakalaking project ng GMA Network at tulad ng televiewers, gusto rin naming maipapanood na sa inyo ang talagang pinaghihirapan naming project sa simula pa lamang nang mag-taping kami two months ago.”

Ang Descendants of the Sun na dinidirek ni Dominic Zapata ay malapit nang mapanood sa Primetime Telebabad ng GMA Network.

The Kapuso Countdown… pumalo sa ratings

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang magandang pagsalubong ng GMA Network sa bagong taon, ang The Kapuso Countdown to 2020: The GMA NewYear Special, sa pangunguna ni Alden Richards at lahat ng malalaking Kapuso stars. Wagi ito sa TV ratings dahil sa halos non-stop performances na ginanap sa SM Mall of Asia.

Sa said countdown, napanood din lahat ng mga fans ang mga bagong teleserye at mga bagong programa na mapapanood sa GMA sa 2020.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with