^

Pang Movies

Martin at Pops hindi pa rin ‘naghihiwalay!’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Martin at Pops hindi pa rin �naghihiwalay!�
Martin at Pops

Tuwang-tuwa ako dahil magkakaroon ng concert, Salve sina Martin Nievera at Pops Fernandez, ang Twogether na mapapanood sa The Theater ng Solaire Resort and Casino at tunay na kaabang-abang dahil special treat nila sa kanilang fans.

Isang couple na kahanga-hanga sina Martin at Pops dahil kahit nagkahiwalay sila, naging best of friends ang dalawa.

Kitang-kita ang sense of security sa mga anak nila na sina Robin at Ram dahil hiwalay man ang kanilang parents, nananatiling maayos ang pakikisama nina Pops at Martin sa isa’t isa.

Masasabi talaga na may respeto sa bawat isa sina Martin at Pops, wala silang drama na washing dirty linens in public kaya mataas ang paggalang sa kanila ng publiko.

Nagagawa nila na magtrabaho together dahil sa respeto at tila hindi naman nawawala ang kanilang affection for each other.

Twogether, forever, kahit sa concert man lang maipadadama nina Pops at Martin na why they’re special to each other. Martin Nievera and Pops Fernandez, now pa lang encore na.

Pangalan ni Ara Mina nasali sa road-rage!

Kaloka naman may nangyari palang road-rage  sa Biñan, Laguna noong December 22, 2019 at kinasasangkutan ng Laguna board member na si Abigael Alonte at ng kanyang Jordanian boyfriend na si Hassan Rousan.

Nakakaloka dahil nag-name drop daw si Hassan na kilala nito si Undersecretary Dave Almarinez at Ara Mina habang sinasaktan daw nila ni Alonte ang mga complainant, ang mag-asawang Shammarie at Ronald del Rosario.

Ang nangyari tuloy, naungkat ang rumored love affair nina Ara at Dave na pinagpistahan noong June 2018 dahil sa diumano’y may tao na naagrabyado, si Rina Navarro na fiancé ni Dave.

May lovechild sina Rina at Dave pero hindi natuloy ang kanilang pagpapakasal dahil sa claim ni Rina na nahuli nito sina Dave at Ara.

Walang inamin sina Dave at Ara tungkol sa mga bintang ni Rina.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with