^

Pang Movies

Angeline at Jed, may kaba sa franchise ng ABS

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angeline at Jed, may kaba sa franchise ng ABS
Angeline at Jed

Of course ay very much aware rin ang mga Kapamilya stars na sina Jed Madela at Angeline Quinto sa problema sa franchise ng ABS-CBN at aminado sila na nalulungkot at natatakot din sila not just for them kungdi sa maraming taong mawawalan ng trabaho.

“Nakakalungkot kasi, hindi lang kami ang maaapektuhan, mas madami pa,” ani Jed kahapon sa presscon nila ni Angeline para sa pre-Valentine concert dinner nila na Voices For Love.

Sinegundahan din ni Angeline ang sinabi ni Jed, at aniya, “mas iniisip din namin ‘yung iba na parang ‘yun lang ‘yung kabuhayan mo, eh, di ba? Paano naman din sila?”

Kung sila lang daw ay pwede naman daw silang magtrabaho outside ABS-CBN like they do concerts, shows, singing engagements, etcetera. Pero paano naman daw ‘yung iba na sa ABS-CBN lang talaga umaasa.

Sey ni Angeline na nagbibiro, pwede rin daw siyang magluto aside sa pagkanta.

“Hindi kasi, before naman po talaga, nun’g bago ako nag-Star Power, kasi nga tulad ng sabi ko dati, nag-stop na po ako sumali sa mga singing contest kasi akala ko talaga, hindi para sa akin ang singing.

“So, sabi ko, ‘ano pang pwede kong gawin para kahit paano, habang nag-aaral ako, mayroon akong naibibigay sa nanay ko?’”

Gusto raw niya talaga noong magtrabaho sa mga fast food kahit tagalinis lang sa kusina. Pero naiba na nga ang takbo ng buhay niya at siguro raw ay talagang ibinigay na rin ni Lord sa kanya ang pagkanta.

“Pero kung halimbawa na ako, gusto ko pa ring magluto pa rin,” sey ni Angeline.

Natanong din namin kung may offer ba sa kanila ang ibang network, ayon sa dalawa ay dati pa naman daw pero hindi raw nila options ang lumipat ngayon sa ibang network.

Sey ni Angeline, may malaking utang na loob daw siyang tinatanaw sa ABS-CBN at sobrang thankful siya sa network kung nasaan man siya ngayon. If ever na wala na raw TV airing ang istasyon ay hindi na raw siya lalabas sa telebisyon at pwede naman daw siyang mag-concert na lang or gumawa ng album.

Samantala, first concert together pala nina Jed at Angeline ang Voices For Love although magkasama sila sa ASAP Natin ‘To every Sunday.

Si Annabelle Rama na siyang producer ng show ang nakaisip na pagsamahin sila dahil bilib na bilib daw siya sa husay ng dalawa bilang singers.

When asked kung bakit sina Jed at Angeline ang naisip niyang pagsamahin sa isang Valentine concert gayung hindi naman magdyowa at magka-loveteam ang dalawa, ani Tita Annabelle, ang unang plano raw niya ay sina Erik Santos at Angeline ang pagsasamahin niya pero nang mapanood daw niya si Jed na nag-perform sa Malacañang ay sobra raw siyang nagalingan sa singer and right there and then ay nagdesisyon na siyang kunin ito for a Valentine show.

Ang Voices for Love ay gaganapin on Feb. 12 sa Marriott Grand Ballroom with guests Mitoy Yonting, LA Santos and Alyssa Muhlach-Alvarez. Special participation naman sina Vice Governor Imelda Papin, Mayor Lani Mercado at si Mother Lily Monteverde.

Concert ng CoLove mabilis ang galaw

Masayang-masaya si Jennylyn Mercado na in just 5 days simula nang buksan ang ticket-selling para sa Valentine concert nila ni Dennis Trillo na CoLove Live ay nasa 50% na agad ang sales nito.

Kaya naman sa kanyang Instagram account ay nag-post ng pasasalamat si Jen.

“Thank you!!! sa mga di pa bumibili, buy your tickets now! Sobrang pinaghahandaan namin ang concert na ito so sana mapanood ninyo,” post ni Jen.

Gaganapin ang CoLove Live sa Feb. 15 at the New Frontier Theatre. Ito ang first ever concert ng JenDen kaya hindi kami nagtataka na marami talaga ang gustong manood especially ang mga followers ng CoLove sa YouTube.

Star studded din ang concert dahil sa malalaking guests na sina Alden Richards, Alex Gonzaga, Carlo Aquino, Janno Gibbs, Nyoy Volante, Juan Karlos band, Kim Molina, Jerald Napoles, Nar Cabico, Nico Antonio at Juan Miguel Severo sa direksyon ni John Prats.

Sa mga gustong bumili ng tickets, visit www.ticketnet.com.ph or call their hotline at (02)8911-5555.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

JED MADELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with