^

Pang Movies

James at Nadine namundok sa Benguet

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
James at Nadine namundok sa Benguet

Isang common friend ng magkasintahang James Reid at Nadine Lustre na si Jeriko Tan ang nag-post ng picture nila na magkakasamang nag-mounting hiking recently sa Mount Ulap sa Itogon, Benguet na magpapatotoo na hindi totoong naghiwalay ang live-in partners. Nakasama pa nila sa nasabing hiking ang isang kapatid ni James na si Lauren Reid at dalawa pang kaibigan. Nakita rin ang grupo na kumain sa loob ng isang restaurant sa Camp John Hay in Baguio City kung saan ay nagpaunlak pa sina James at Nadine ng photo op with a fan.

Gayunpaman, mukhang malabong mapanood ang dalawa sa isang project be it sa pelikula, telebisyon or concert dahil nananatiling contract star ng Viva si Nadine habang may sariling talent management at record label si James, ang Reid Entertainment at Careless Music Manila magmula nang ito’y kumalas sa bakuran ng Viva nung isang taon.

Catriona sa showbiz muna 

Ka-birthday pala ng 2018 Miss Universe na si Catriona Gray ang Megastar na si Sharon Cuneta dahil parehong January 6 ang kanilang kaarawan.

Last Monday, January 6 ay nagdiwang si Catriona ng kanyang ika-26th birthday sa It’s Showtime kung saan siya guest co-host ng programa habang naka-maternity leave pareho sina Anne Curtis at Mariel Rodriguez.

Si Anne ay nakatakdang isilang ang first baby nila ng husband niyang si Erwan Heussaff sa buwan ng Marso habang si Mariel naman ay nakapag-silang na sa second baby nila ni Robin Padilla na si Maria Gabriela sa Amerika last November.  Bago mag-Pasko ay umuwi ng Pilipinas si Mariel bitbit ang mga anak nila ni Robin na sina Isabella at Gabriela.  Hinihintay na lamang ni Mariel ang kanyang pagbabalik sa It’s Showtime habang si Anne ay malamang anim na buwan na mawala sa programa.

Ngayong tapos na ni Catriona ang kanyang one-year reign as Miss Universe, magpu-focus naman siya sa kanyang showbiz career particularly her singing career at maging sa kanyang personal advocacies.

Since loveless ngayon si Catriona, ano kaya’t siya ang ligawan ng Kapuso actor na si Alden Richards?

Not a bad idea, Salve A.

Joem iwas pusoy sa balikan nila ni Meryll

Hanggang Biyernes, January 10 na lamang mapapanood ang primetime program na Starla na pinangungunahan ni Judy Ann Santos at ang time slot nito ay mapupunta sa bagong TV series ng magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil, ang Make It with You na pinamamahalaan ni Cathy Garcia-Molina na magsisimulang mapanood sa ere sa darating na Lunes, January 13.

Malapit na ring magtapos ang The Killer Bride na pinagbibidahan ng magtiyahing sina Maja Salvador at Janella Salvador at ito’y papalitan ng bagong TV series na pangungunahan ni Gerald Anderson, ang A Soldier’s Heart.

Sa finale presscon ng Starla, iwas pusoy si Joem Bascon sa tanong sa kanila ni Meryll Soriano kung sila’y nagkabalikan muli na siyang pinaniniwalaan ng marami.

Nagkaroon ng relasyon sina Joem at Meryll noong sila’y magkasama sa TV series na I Love Betty La Fea na pinagbidahan ni Bea Alonzo na tumagal sa ere ng halos dalawang taon. Pero nagkahiwalay din ang dalawa. Matagal na naging kasintahan ni Joem ang non-showbiz na si Crisha Uy at ito’y tumagal ng walong taon pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon bago nagtapos ang 2019. Pero hindi malinaw kung si Meryll ang dahilan ng break-up nina Joem at Crisha.

Si Joem ay nakasama ni Meryll at ng kanyang pamilya na nagdaos ng media noche.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with