^

Pang Movies

Joem at Yeng sinuwerte sa nakuhang award

Pang-masa
Joem at Yeng sinuwerte sa nakuhang award
Yeng

MANILA, Philippines — Masaya ang pasok ng 2020 para kina Joem Bascon at Yeng Constantino pagkatapos nilang magkamit ng parangal bilang Best Supporting Actor and Best Supporting Actress sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2019 para sa pelikula nilang Write About Love.

Ayon kay Joem, na nasa pelikulang Culion din, first time raw niyang mag-attend ng Gabi ng Parangal at hindi raw niya in-expect na magkakaroon pa siya ng award.

“Sobrang saya ko na nanalo ako. Di ko kasi talaga ineexpect na manalo, talagang pumunta lang ako to support yung dalawang entry ko and support the Manila Film Festival. Kasi this is my firt time na pumunta ng awards night. As in unang beses ko to kasi nung first time ko na nag MMFF nasa States ako, so this time, nandito na ako,” pagbabahagi niya.

Malaki rin ang pasasalamat niya kay Yeng na binigay din ang kanyang best para mabigyang buhay ang karakter na si Joyce.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Yeng nang matanggap ang balita dahil nasa abroad siya noong mga panahong yun.

“Nasurprise ako! nasa Thailand Airport ako nun eh pauwi ng Manila nung nalaman kong nanalo ako. I opened my Twitter tapos ang daming nag-congrats na mga supporters ko. Ako naman ‘What? Totoo ba to?’ Medyo lutang yung feeling kasi ‘di ko inasahan talaga. Yung makapasok lang sa MMFF panalo na kami ng team ‘Write About Love’ eh. Pero may pa-bonus pa na awards so super happy and grateful talaga,” ani Yeng. 

Ang proyektong Angkas na isasali sa Cine­malaya 2020 ang pagkakaabalahan ngayon ni Joem, habang tutok naman si Yeng sa kanyang ginagawang album at isang major concert ang kanyang inaasahan. Patuloy pa rin siya sa pagiging hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

vuukle comment

YENG CONSTANTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with