^

Pang Movies

Kylie bina-bash sa pagtatakip ng mukha ng anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tanong ng netizens kay Kylie Padilla, bakit pa niya pino-post ang photo ng second baby boy nila ni Aljur Abrenica, tapos tatakpan din ang mukha? Ano raw ang saysay noon na pino-post, pero ayaw ipakita ang mukha ng baby? Na-curious tuloy ang iba, ano raw ba ang meron sa face ng baby at bakit ayaw ipakita?

Actually, nag-post na si Kylie ng photo ng anak, hindi lang masyadong aninag ang mukha dahil ang pagkaka-post niya ng picture ay una ang ulo at malayo pa ang kuha sa picture.

Tama naman ang nag-comment na desisyon ni Kylie kung kailan ipapakita ang mukha ng baby nila ni Aljur dahil baby niya ‘yun. Tiniyak din ang commenter na cute ang baby dahil cute rin ang elder boy nilang si Alas.

Sabi naman ng isa pang netizen, bakit si Solenn Heussaff, hindi inaaway eh, nagpo-post din ng photos ng anak nila ni Nico Bolzico na hindi rin ipinapakita ang mukha?

Willie ‘pinamukha’ kay Vice na number 1 si Aga

Bumalik si Aga Muhlach sa Wowowin para magpasalamat sa mga nanood ng hit MMFF movie na Miracle in Cell No.7 at sa manonood pa. Heto nga at showing na rin sa ibang bansa ang pelikulang co-producer din si Aga.

As of January 6, 2020, kumita na ng P350-M ang Miracle in Cell No. 7, kaya naman lubos ang pasasalamat ni Aga at ng buong cast sa suporta ng moviegoers. “Miracle” ang tawag nila sa gross ng pelikula, pero sinu-shooting pa lang ito, marami na ang humuhulang kikita ng malaki, hindi lang inaasahan na magna-number one.

Hindi naman siguro magagalit si Vice Ganda at ang fans ni Vice sa paulit-ulit na sabi ni Willie Revillame na ang Miracle in Cell No. 7 ang number one sa box-office.

Wala pang nakakapagtanong kay Aga kung ano ang susunod niyang pelikula.

Matupad na kaya ang wish ng fans nina Aga at Lea Salonga na matagal nang nagre-request ng follow up movie ng dalawa? O, kaya ang follow up movie nina Aga at Sharon Cuneta na marami rin ang humihi­ling.

Jane nagka-muscle na sa kaka-training

Napanood namin ang video ng training ni Jane de Leon para sa pelikulang Darna at ang tindi ng ginagawa nito. Iyong gumagapang palang siya, mahirap at nakakapagod na at sabi naman nito, “Akala ko di ko kakayanin pero laban lang nang laban!”

Tsini-cheer si Jane ng kanyang supporters at para mga taga-showbis gaya ni Lovi Poe na matindi rin mag-workout . Ang hashtag ni Jane sa kanyang video ay “DarnaTraining at #FIGHTING.”

In all fairness, kita na ang improvement sa arms ni Jane sa kanyang training, may muscles na ang kanyang upper arms. Sa mga susunod na araw at sa pagpapatuloy ng kanyang training, tiyak marami pang pagbabagong makikita sa katawan niya.                                                                

AiAi hahabol sa All-Out?!

Nabasa namin ang blind item ni Lolit Solis sa PSN  na may madadagdag daw na mainstay ng All-Out Sundays  at sa March siya papasok sa show. Walang clue na binanggit si Lolit, pero hindi kaya si AiAi delas Alas ang kanyang tinutukoy?

 May nagtanong kasi kay AiAi kung bakit hindi siya kasali sa All-Out Sundays?  Ang sagot ni AiAi, “hehe sa tamang panahon makakasama din nila ako wait lang tayo...support support lang muna tayo hehe.”

Speaking of AiAi, nauna nang ni-release ng Regal Entertainment ang trailer ng movie nina AiAi at Kisses Delavin na D’ Ninang  at kagabi, ni-release ang official poster ng movie na showing sa January 22.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with