^

Pang Movies

Judgmental ng Bulaga nagkamali sa batang nakabuntis

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagkatarantahan sa ang Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga kahapon.

Mga batang ama (15-17 years old) o magiging ama ang pinagpilian ng celebrity guest na si Sam Pinto.

Eh nagkamali ng inabot na card ang staff. Naiabot sa bata ang card na may nakasulat na two months buntis ang GF, si Kyle.

Hindi pala para kay Kyle ang card kaya nang tanungin siya nina Maine Mendoza at Jose Manalo ng detalye, hindi siya makasagot! Para sa isang contestant ang card na ‘yon!

May GF ang bata, oo. Magkagalit nga lang kaya bawi niya, hindi totoong nakabuntis siya!

Kung noong Saturday edition ng Bawal Judgmental, napuno ng iyakan sa kuwento ng ilang kalahok na nag-out bilang gay,  tawanan naman ang humalili na may konting kirot dahil sa pagkakamali na ‘yon!

Ang saya-saya tuloy ng Bawal Judgmental, huh!

Tala dance craze umabot na sa London

Matagal nang kanta ni Sarah Geronimo ang Tala. Eh nang bigyan ng bonggang choreography ni Teacher Georcelle ng G-Force at sinayaw ni Sarah, nagkaroon ng bagong sigla at nag-hit!

Nagkaroon ito ng Tala challenge na ginawa ng ilang artista gaya ng lovers na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Ang latest na sumayaw sa Tala challenge ay ang Prima Donna star na si Sofia Pablo. Ipinakita niya sa kanyang YouTube channel ang challenge na ‘yon.

Sa totoo lang, umabot na rin sa London ang dance craze. Ginawa ito ng komedyanteng si Kalad Karen na dating writer ng Eat Bulaga at sumali sa Survivor Philippines.  Back ground niya habang nagsasayaw ang London Bridge. Taga-London ang dyowa ni Karen.

vuukle comment

BAWAL JUDGMENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with