^

Pang Movies

Kisses at Mccoy susubukan kung magki-click

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Si Kisses Delavin ang bagong leading lady ni McCoy de Leon sa Regal Entertainment soon-to-be released movie na D’ Ninang na pagbibidahan ni AiAi delas Alas.

Matagal nang magkakilala sina McCoy at Kisses. Sabay silang naging housemates ni Kuya sa isang episode ng Pinoy Big Brother (PBB), kung saan si Maymay Entrata ang naging big winner.

Sa bahay ni Kuya, naging as close as can be sina McCoy at Elisse Joson which was the reason why naging magka-love team sila after their stint together in Kuya’s house. Bukod dito ay naging mag-ex din sila.

In the case of Kisses, for a time, na­ging ‘sila’ as a love team ni Marco Gallo na produkto rin ng PBB.

In the case of Maymay, kuwela hanggang ngayon ang team-up nila ni Edward Barbers. They will soon be doing their first big team-up, When I Fall In Love.

Samantala, officially hiwalay na sa team sina McCoy at Elisse, ganundin sina Kisses and Marco.

Marco has even signed up with Viva Films.

Of McCoy, maraming humanga sa kanyang performance bilang anak ni Janice de Belen sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Minsan, however, na sinuway niya ang kabilin-bilinan sa kanya ng ina na huwag siyang magmo-motorsiklo, lalo at wala siyang helmet, he figured in an accident. Dahil dito ay na-ospital siya ng ilang araw.

Then, the sad verdict from his doctor, na wala nang pag-asang he will survive.

To give meaning sa kanyang biglaang ‘pagkawala, his Mom, not Janice, but the real mom of the victim, named Gabo, decided to donate his pair of eyes sa isang teenager.

Napaka-meaningful ng meeting between Gabo’s Mom at ng naging recipient ng mata ng anak.

Actually, ito obviously ang dahilan kung bakit ang MMK ay nagtagal ng kung ilang taon sa himpapawid, as its host, Charo Santos-Concio, takes effort na i-guest sa finale ng programa ang letter sender ng episode na ipinalabas niya.

Congratulations, Charo.

Julie Anne open ‘pag niligawan ni Alden

Hindi problema sa singer na si Julie Anne San Jose, kung wala pa siyang bagong boyfriend, after her break-up from her boyfriend of a few years na si Benjamin Alves na karelasyon na ngayon ni Chelsea Robato.

Samantala, itinanggi ni Julie Anne na nililigawan siya ni Alden Ri­chards, although she doesn’t deny na close silang dalawa.

Nababaitan nga raw siya kay Alden. And vice versa.

Asked if anytime soon she might, kumbaga, fall in love again, not with Alden, ha, Julie Anne’s quick reply; “Puwedeng oo, puwedeng hindi.”

Kung sa bagay, walang dahilan para kaagad umibig muli si Julie Anne dahil 24 lang siya.

William never makikipagbalikan kay Yayo

Nice to know na active muli si William Martinez sa showbiz. Matagal din siyang nawala sa eksena ng showbiz. Kaya, welcome na welcome na muli siyang mapapanood sa pelikulang Mia, co-starring him with Coleen Garcia and Edgard Allan Guzman.

Mia is set to open in theaters nationwide on January 15.

Samantala, klinaro ni William na kahit magkasama sila ng dating asawang si Yayo Aguila sa pelikula, walang balikang namagitan sa kanila.

Tatlo ang anak nina Yayo at William na pawang malalaki na at pawang babae.

A production of Insight 360 Films, in partnership with Viva Films, its producer is Chris Cahilig.

Kasama nga rin pala sa Mia si Billy Crawford.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with