^

Pang Movies

Enrique at Ogie touching ang birthday message para kay Liza

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Enrique at Ogie touching ang birthday message para kay Liza
Liza Soberano at Enrique Gil

Kung ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) ay nasa gitna ng break-up controversy, namumutiktik naman sa sweetness ang LizQuen na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Makikita mo sa Instagram posts nila na parati silang magkasama at mukhang going stronger than ever ang kanilang relasyon.

Last January 4 ay nagdiwang ng kanyang ika-22 kaarawan si Liza at binigyan siya ng napaka-sweet na birthday greeting sa IG ni Quen. Pahayag ng aktor, ang girlfriend daw ang pinakamagandang babaeng nakilala niya at pakiramdam niya ay nananaginip siya.

“Happy birthday my love, you truly are an angel here on earth. You just give so much, so much happiness and love and just I hope that me and the world can somehow give all of that love back to you.

“You’re not just drop dead gorgeous babe you’re the most beautiful human being I’ve ever met.

“Sometimes it’s just too good to be true. So don’t wake me from this daydream and just keep on smiling, stay happy enjoy life and be as buang as you are haha i love you so much! happiest birthday love,” ang pagbati ni Quen sa girlfriend.

Sinagot naman ito ni Liza ng powerful three-letter word na “I love you.”

Pero hindi rin naman nagpahuli ang manager ni Liza na si Ogie Diaz dahil napaka-sinsero rin ng kanyang pagbati, punung-puno rin ng pagmamahal at ang lamang lang ng mensahe niya kay Quen, mas mahaba ito.

“Ito ang pinakagusto kong picture sa dami ng pics ko with @lizasoberano. Very memorable kasi ito, dahil first pic namin ito nung 2012.

“Napakasimpleng bata. Gusto niyang mag-modelo noon, pero mas kinumbinsi namin siyang mag-artista.

“Ilambeses kong pinabalik-balik si Liza to see me kasi gusto ko magpaliit pa siya nang konti at sunud naman talaga nang sunod si Liza sa kada iutos ko para din sa enhancement niya bilang baguhang artista.

“Nakakatuwa siyang bata kasi matiyaga siya, hindi nainip at marunong maghintay.

“Yung ugaling mabait, andun pa din. Yung priority ang family, andun pa din. Yung mahal na mahal ang lola niya, andun pa din. Yung hindi nagpi-primadona, humility ang lumulutang.

“Kaya ako na mismo mag-aangat sa kanya. Hindi dahil alaga ko siya, kundi ganun naman siya talaga.

“At kaarawan niya today, kaya happy, happy bday, Hopie! Salamat. Maraming-maraming salamat sa kabaitan mo. At utang ko sa yo kumbakit buhay na buhay ang premature baby kong si Meerah Khel. Alam mo na kumbakit.

“Love you, anak. You deserve only the best this 2020! Continue to be a blessing to your family and other people! Mahal na mahal ka ng pamilya ko,” bahagi ng heartwarming message ni Ogie kay Liza.

Tala dance craze nina Maine at Arjo, hinahamon ang ibang loveteams!

Viral ngayon ang tweet ni Maine Mendoza ng video kung saan ay makikita sila ng boyfriend na si Arjo Atayde na sumasayaw sa kantang Tala ni Sarah Geronimo na usung-uso ngayon.

Sobrang gandang panoorin ng dalawa habang sumasayaw at nakiuso na sa Tala Dance Craze. At ang mas cute ay ang caption ni Maine na “the things I do for you. – Arsho.”

Tuwang-tuwa ang fans ni Maine at makikita mo ito sa kanilang comments. Sey nila, wala raw talagang kahit anon’g kumpetisyon sa katawan ng Phenomenal star. Kung iba nga naman kasing artista ay hindi gagawin ang suportang ito para sa kapwa-artista.

May mga nagkomento rin na proud fan kasi si Maine ni Sarah G.

Pero ang mas natuwa kami ay ang komento sa Twitter ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe. Hinamon niya kasi ang ibang loveteams tulad ng KathNiel, LizQuen, MayWard at KimXi na gawin ito.

Kaya inaabangan ngayon ng lahat ang pagsagot ng mga nabanggit na loveteams sa challenge.

Well, sayang nga at may pinagdadaanang issue ngayon ang JaDine dahil maganda ring kasama sila sana sa challenge.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with