^

Pang Movies

Nadine nagsalita na sa fake news na hiwalay na sila ni James

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Nadine nagsalita na sa fake news na hiwalay na sila ni James
Nadine

Nag-react na si Nadine Lustre sa balitang hiwalayan nila ng kanyang live-in partner na si James Reid at ito’y kanyang pinabulaanan na unang inalmahan ng mga fans ng JaDine.

Inamin din ng misis ni Billy Crawford na magkakasama umano nilang sinalubong ang Bagong Taon nina James at Nadine.

Sina James at Nadine ay magsi-celebrate ng kanilang ika-4th anniversary bilang magkasintahan sa darating na February 11. Ang kanilang pagiging  official couple ay personal na inamin ni James sa kanilang February 20, 2016 major concert sa Smart Araneta Coliseum, ang JaDine in Love.

Kung nag-react na si Nadine tungkol sa hiwalayan issue, bakit naging tahimik lamang si James tungkol sa issue?

Aga may follow-up movie agad

Dahil sa malaking tagumpay sa takilya ng Miracle In Cell No. 7 na pinagbidahan ni Aga Muhlach at dinirek ni Nuel Naval for Viva Films, maraming plano ang Viva for Aga sa taong ito.

Ayon sa Viva big boss na si Boss Vic del Rosario, may follow-up movie na umano si Aga sa bakuran ng Viva na muling ididirek ni Nuel Naval.

Lumulutang din ang balik-tambalan nina Aga at Lea Salonga sa pelikula.

Bukod kay Aga, may gagawin ding movie ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang dating home studio at malamang na muling magtambal sina Sharon at Robin Padilla.

Patuloy ang Viva Films sa paggawa ng mga Korean movie adaptation tulad ng Miss Granny ni Sarah Geronimo in 2018 at itong Miracle… ni Aga.  Ang kanilang third movie adaptation ay sa pamamagitan ng A Hard Day na ipinalabas sa South Korea in May 2014 at pinagbidahan nina Sun-kyun Lee, Jin-woong Cho at Min-sin Jeong at dinirek ni Kim Seong Hun. Ang local version ay tatampukan nina Dingdong Dantes at John Arcilla at pamamahalaan ni Lawrence Fajardo with Joyce Bernal as creative producer.

Alam mo, Salve A., hindi si Aga ang tunay sa winner sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) kundi ang Viva Films dahil bukod sa ang Viva ang nag-produce ng Miracle in Cell No. 7, co-producer din sila ng Star Cinema ng nag-number 2 sa MMFF na magtatapos ngayong Martes, January 7, ang The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis. 

Sa dalawang pelikula pa lamang na nabanggit ay napakalaki na ng take home pay ng Viva na pinamumunuan ni Boss Vic.

Samantala, magsa-submit ang Viva Films ng dalawang movie titles na puwedeng maging kalahok sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival (MMSFF) na nakatakdang magsimula sa Sabado de Gloria from April 11 – 21, 2020.   Nakatakdang isumite ng Viva ang A Hard Day nina Dingdong Dantes at John Arcilla maging ang isa pang movie na nakatakang idirek ni Daryl Ong na siyang nagdirek ng hit solo launching movie ni Kim Molina, ang Jowable nung isang taon.

Nakatakdang ipalabas ngayong February 5, 2020 ang ikatlong tambalan nina Bela Padilla at JC Santos, ang On Vodka, Beers and Regrets na sinulat at dinirek ni Irene Villamor, ang director na nagdirek ng mga hit movies na Sid & Aya (Not A Love Story) nina Anne Curtis at Dingdong, Camp Sawi and Meet Me in St. Gallen.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with