^

Pang Movies

Derek pini-pressure pakasalan si Andrea?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., kung nanaisin ni Derek Ramsay na pakasalan ang kanyang girlfriend ngayon na si Andrea Torres ay walang magiging problema dahil null and void naman ang kanyang kasal sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly noon pa, kung kanino siya may isang anak na16-year-old na si Austin na nasa pangangalaga ngayon ng aktor.

Sina Derek at Mary Christine ay ikinasal sa Balagtas, Bulacan in April 2002 pero ilang buwan lamang nagsama ang dalawa at ito’y nauwi rin sa kanilang paghihiwalay. After their break-up ay na-link si Derek sa iba’t ibang showbiz personalities tulad nina Solenn Heussaff (na may asawa’t anak na ngayon), Angelica Panganiban, Cristine Reyes (na hiwalay na asawa at may isang anak) at ang single mother model na si Joanne Villablanca na siyang pinakamatagal na nakarelasyon ni Derek (more than five years) bago nito nakilala si Andrea.

Na-develop ang pag-iibigan nina Derek at Andrea sa set ng unang tambalan nila sa seryeng The Better Woman na tumagal sa ere ng halos tatlong buwan last year. Wala pang follow-up new project ang magkasintahan sa GMA-7 hanggang ngayon.

Hindi issue kay Andrea ang pagkakaroon ng anak ni Derek, dahil close naman siya kay Austin.

At 43, umaasa ang marami na si Andrea na ang bagong pakakasalan ni Derek kahit ilang buwan pa lamang ang kanilang relasyon.

Andrea is turning 30 on May 4 at handa na ring magkaroon ng sariling pamilya.

Nadine inaasahang magiging busy na uli

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin sina James Reid at Nadine Lustre sa isyung hiwalayan. Wala rin sa kanilang respective camps ang nagsasalita to confirm or deny the rumor.

Kung totoo nga ang alegasyon na hiwalay na nga ang dalawa, inaasahan ang lalong pagiging busy ni Nadine sa taong ito, dahil tiyak na hindi siya pababayaan ng kanyang home studio, ang Viva na nilayasan ni James nung isang taon to put up his own entertainment and music company, ang Reid Entertainment at Careless Music Manila.

Sina James at Nadine ay huling nagtambal sa hit movie na Never Not Love You in 2018. Ang nasabing pelikula ang nagbigay kay Nadine ng kanyang tatlong Best Actress awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Speaking of Nadine, hindi kaya siya nagsisi sa ginawa niyang pag-atras sa pelikulang Miracle in Cell No. 7 na pinagbidahan ni Aga Muhlach kasama sina Xia Vigor, Bela Padilla at iba pa na siyang nangunguna ngayon sa 2019 Metro Manila Film Festival na magtatapos ngayong Martes, January 7, 2020.

Nadine’s two solo movies last year, ang Ulan at Indak ay parehong hindi pumalo sa takilya.

Bela ayaw patulan si JC

The last time na nakausap namin si Bela Padilla sa tanggapan ng Viva ay biniro namin ito na baka si JC Santos na ang kanyang maging next boyfriend lalupa’t may bago silang movie na pinagtambalan at nakatakdang ipalabas ngayong Pebrero 5 as pre-Valentine offering ng Viva. Pero agad sinalag ng actress ang aming biro. “Hindi po.  Hindi po talaga,” diin nito.

Pero hindi natin alam kung paano magbiro ang tadhana.

Hindi naman ikinakaila ni Bela na sobra umano siyang kumportable na katrabaho si JC magmula nang gawin nila ang hit PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino) movie in 2017, ang 100 Tula Para Kay Estela na sinundan ng panibagong hit movie nilang The Day After Valentine’s na naging entry din sa ikalawang taon ng PPP in 2018. Ang dalawang nasabing pelikula ay parehong mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana.

 Ang bagong movie na pinagtatambalan nina Bela at JC ay ang On Vodka, Beers and Regrets na isa na namang kakaibang love story mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor under Viva Films.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with