^

Pang Movies

Baby boom sa 2020!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Baby boom sa 2020!

Although maraming celebrity couples ang ikinasal nung nakaraang taon at nagkaroon ng celebrity baby boom, inaasahan na ganoon din ang mangyayari sa taong ito ng 2020.

Sa taong ito inaasahang magpapakasal ang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce gayundin sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ganundin sina Juancho Trivinio at Joyce Pring, Fourth Solomon at Grizelle Gratela at isa pang engaged couple na sina Luane Dy at Carlo Gonzales lalupa’t magkakaroon na sila ng baby.  Napag-alaman namin na kasal na umano sa huwes nung November 28 in Quezon City sina Carlo at Luane dahil sa pagbubuntis ng TV host.

Sa buwan naman ng March nakatakdang ikasal ang engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at malamang na kasama sa kanilang wedding entourage ang kanilang two sons na sina Zion at Kai.

Patuloy din ang baby boom sa taong ito dahil magkakasunod na magsisilang sa kanilang respective babies sina Solenn Heussaff (na nanganak na noong January 1), Ethel Booba (February), Anne Curtis (March) at si Cristalle Belo Henares-Pitt (April), maging si Luane ay malamang mid this year magsilang.

Samantala, napakaganda ng pasok ng taon sa mag-asawang Solenn at Nico Bolzico dahil sa  araw mismo ng bagong taon isinilang ang kanilang first born na si Thylane Katana at sa hospital na sinalubong ng mag-asawa ang pagpasok ng Bagong Taon.

Mindanao ni Juday inaasahang hahabol

Tuluyan nang naungusan ng pelikulang Miracle In Cell No. 7 ni Aga Muhlach ang The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis pero halos magkadikit ang dalawa. Far number 3 naman ang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon ni Coco Martin habang pumapang-apat naman ang entry ni Vic Sotto, ang Mission Unstapabol: The Don Identity.

Dahil sa maraming awards na nakuha ng pelikulang Mindanao, inaasahan na papalo ito at makakalaban sa No. 5 ang horror movie na Sunod ni Carmina Villarroel. Nasa no. 7 and 8 naman ang pelikulang Culion nina Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith at Meryll Soriano at ang pelikulang Write About Love nina Miles Ocampo, Yeng Constantino, Rocco Nacino at Joem Bascon. Pero wala pang official figures ang ranking na ibinibigay ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival until after the filmfest is over on January 7, 2020.

Masayang-masaya si Aga sa pagtatapos ng taong 2019 at sa pagsisimula ng bagong taon dahil kahit sa January 7, 2020 na magtatapos ang ika-45th Metro Manila Film Festival, tiyak na ito’y ma-e-extend sa ilang sinehan nationwide. Nag-iikot na rin ang pelikula sa iba’t ibang bansa which will also include South Korea kung saan nag-originate ang Miracle in Cell No. 7 na isang hit movie   in 2013.

Speaking of Aga, may posibilidad umanong magsama sila ng original lead actor ng Korean version na Miracle in Cell No. 7 na si Seung-ryong Ryu na textmate nito ngayon.  Napanood ng director ng Korean version na si Lee Hwan-kyung maging ng producer ng movie ang movie version ni Aga at napahanga sila sa ipinakitang husay hindi lamang ni Aga kundi ng lahat ng bumubuo ng pelikula.

Si Seung-ryong Ryu ay nanalong Best Actor sa South Korea for Miracle in Cell No. 7.

Ang pelikulang Miracle In Cell No. 7 ay second local adaption ng Korean movie na ginawa ng Viva Films. Nauna na rito ang Miss Granny ni Sarah Geronimo in 2018.

vuukle comment

ETHEL BOOBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with