^

Pang Movies

Alden pinagawan ng video greetings billboards ng fans!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden pinagawan ng video greetings billboards ng fans!
Alden

Trending kahapon sa Twitter ang hashtag na #ALDENRichardsAt28 dahil sa pagdiriwang ng ika-28 kaarawan ng Asia’s Multimedia Star at lead actor ng The Gift na si Alden Richards. Bumuhos ang pagbati at pagmamahal ng mga fans sa birthday boy at kanya-kanyang mensahe, pakulo at regalo ang mga ito.

Isa sa magagandang regalo ng fans ay ang video greetings billboards for Alden sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Ang mga billboard ay located sa Robinsons Forum, EDSA Guadalupe, Fuente Osmeña in Cebu, and Mall of Asia Globamaze in Pasay City.

Bukod dito ay nagpamisa rin sila sa 28 na simbahan kahapon sa iba’t ibang lugar at oras.

May pa-contest din ang fans called All Eyes On Alden kung saan ay kailangang mag-selfie ang fan sa billboard birthday greetings.

Sa kanyang Twitter account ay nagpasalamat na si Alden sa kanyang fans.

“Thank you very much grabe kayo!” ang tweet ni Alden at nilagyan ng crying emoji, Obviously ay na-touch ang aktor sa ginawa ng kanyang mga fans.

Naaliw naman kami sa isang greeting ng fan na na kay Alden na raw ang lahat maliban sa girlfriend.

Jennylyn nag-thank you kay Alden 

Still on Alden, lubos ang pasasalamat ni Jennylyn Mercado sa birthday boy dahil sa pagpayag nitong maging special guest sa concert nila ni Dennis Trillo na CoLove Live.

Nagbigay ng shoutout si Jen for Alden sa kanyang Facebook account.

“Salamat ALDEN sa pagtanggap ng maging guest sa aming concert Co Love Live this February 15 sa New Frontier Theatre,” ang pahayag ni Jen.

Bukod kay Alden ay nagpapasalamat din ang Kapuso Ultimate Star sa iba pa nilang guests na sina Alex Gonzaga, Carlo Aquino, Janno Gibbs, Jay Durias, Juan Karlos, Kim Molina, Jerald Napoles, Nar Cabico, Nyoy Volante, Nico Antonio at Juan Miguel Severo.

Ang CoLove ay nagsimula lang sa YouTube channel ng JenDen kung saan ay mapapanood ang kanilang mga duet. Nagustuhan ng mga tao ang kanilang collaboration at nagkaroon ng clamor for a concert kaya naman pinagbigyan nila ang hiling ng fans.

Ang CoLove Live ang first ever concert nina Jen at Dennis at maraming pasabog ang dalawa sa show. Bukod sa mga duets nila ay dito nila ikukuwento ang kanilang love story sa pamamagitan ng mga awitin at marami raw rebelasyon na mapapanood ang mga concertgoers.

The show will be directed by John Prats at musical director naman si Adonis Tabanda. Sa mga gustong bumili ng tickets, avai­lable ito sa Ticketnet Online or  call 891-5555.

Anne nagpasalamat na naitodo ang fangirling nung 2019

Itinuturing ni Anne Curtis na isa sa highlights ng taong 2019 niya ang pagkaka-meet sa ultimate idol niya, ang South Korean actor na si Gong Yoo.

Nag-post si Anne sa kanyang IG account ng larawan nila ni Gong Yoo nang mag-meet sila last October sa Louis Vuitton event sa South Korea. That time ay buntis na siya pero hindi pa niya ina-announce.

“Was scrolling through my highlights of this year... and my fangirling reached an ultimate high as I made friends and got to meet some of the people I admire when it comes to the same field of work I love,” ang pahayag ni Anne noong bisperas ng Bagong Taon.

Ngayong malapit na siyang maging isang ganap na ina, aniya ay mawawalan na siya ng time na manood ng mga Korean drama kaya naman thankful siya na naitodo na niya ang fangirling niya bago siya magkaroon ng baby.

“I know that next year I might not have as much time on my hands to binge watch, so I’m happy I got the opportunity to meet them before little bub arrives.

“In fact, little bub was already with me in the latter part of the year when I got to meet my ultimates,” ani Anne sa mga selfie niya sa ibang pang Korean oppa.

Pero sure kami, kahit may anak na siya, hindi pa rin niya makakalimutan ang pagiging K-addict niya. And that’s speaking from experience.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with